Ball #2 - The Tryouts

988 15 0
                                    

"Nabihag mo ang puso ko na wala ka man lang ginagawa."

Thalia's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas after ng first day of school. Pero sa one week na yun hindi ko man lang nakita si Ricci.

Baka hindi siya sa La Salle talaga mag aaral?

Impossible na hindi na siya sa La Salle mag aaral dahil 100% ako na dito siya sa DLSU mag aaral. Baka hindi lang siya pumasok ng one week.

Naglalakad ako sa pathwalk ng gym court ng mapatingin ako sa loob. Marami kasing tao mukhang may pinagkakaguluhan. Nag decide akong pumasok na sa loob at tignan ang pinagtitinginan ng mga tao.

Mukhang may tryouts na magaganap ngayon dahil naka set up ang gym court para siguro sa basketball tryouts.

"Miss, anong meron ngayon?" - i asked
"May tryouts ang green archers ngayon. Tsaka ipapakilala ang mga bagong players ng team."

Totoo nga ang hunch ko na may tryouts nga ngayon. Mas lalo naman akong na excite kasi ang green archers pala ang may tryouts ngayon! Makikita ko si Kuya or better yet makikita ko si Ricci!

Pumwesto naman ako sa mga bleachers at umupo. Nakita ko si Kuya Jeron and Kuya Thomas na nag uusap, napatingin pa nga sakin si Kuya Jeron kaya naman binulongan niya si Kuya T. Kaya ang bansot kong kuya tumingin sakin at nag wave. Nag wave back naman ako sa kanya.

May mga umupong babae sa tabi ko. Hindi ko naman sila pinansin dahil magsisimula na ang tryouts ng GA.

"Hi!"

Napalingon ako ng may nag wave ng hand sa gilid ko.

Ang cute naman niya!

"Hello!"
"New student ka dito?" - she asked
"Uh yes. Why?" - i replied
"Halata kasing new student ka dito. Mukhang may kilala ka sa mga archers ah. Kilala mo ba silang lahat?"
"Oh no! Not really. Sina Kuya Jeron and Kuya Thomas lang ang kilala ko sa kanilang lahat."

Tumaas naman ang dalawang kilay ng babaeng kausap ko dahil siguro sa sinabi ko.

"You are calling them kuya? Magkamag anak ba kayo nila Teng at Torres?"

I laughed secretly. Mukhang alam ko na kung saan patungo itong usapan na ito ah.

"Bakit mo naman natanong?"
"I just wanna know."
"Girlfriend ka ba ng isa sa mga yun?"

The girl remain quiet. Ooppss! Mukhang nag over the line ako ah. Baka fangirl lang ito nila Kuya J and Kuya T. Naku, mahirap na.

"Oo pero hindi lang ako pati na rin ang kaibigan ko girlfriend ni Teng. Kaya nga tinatanong kita kung ka ano ano mo sina Teng at Torres."

Mukha namang desidido si Ate kaya naman sasabihin ko na sa kanya ang totoo.

"Kapatid ako ng bansot na yun si Thomas Torres. I'm Thalia Torres by the way."

I extended my hand towards her. Tinignan naman ni Ate ang kamay ko bago ako kinamayan.

"Ikaw si Mikaela?!"

Nagulat naman ako ng sumigaw si Ate. Napatingin pa nga samin ang ilan sa mga tao na nasa gym court.

"Ayy. Sorry! Sorry!"
"Yes po. Ako nga po si Mikaela. Thalia Mikaela Torres."

Bigla naman akong niyakap ni Ate habang ako naman hindi ko alam kung yayakap din ba ako sa kanya pabalik.

"Uh sino po kayo?"
"I'm Ara. Ara Galang! Ate Ara nalang itawag mo sakin."
"Ah okay po?"

Ngumiti naman si Ate Ara at tumingin sa mga players sa gitna ng gym court.

"Mamaya na kami magpapakilala ni Thomas. Mukha kasing busy na si bansot eh."

Hindi ko nalang inusisa ang sinabi ni Ate Ara. Tumingin nalang din ako sa mga lalaki na nag tatryouts para makapasok for the green archers.

"Waahh! Ang gwapo mo talaga!"
"Go! Go! Go!"
"We love you Ricci Paolo!"

Mabilis naman akong napalingon sa mga babaeng sumisigaw hindi sila masyadong malapit samin pero rinig na rinig mo ang sigaw nila.

"Mukhang hindi na sina Jeron at Thomas ang heartthrob ng GA ah maganda yan para wala kaming kaagaw ni Mika."

Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Ate Ara. Nakatingin lang ako sa isang lalaki na nagdidribol ng bola at sabay na shinoot na na shoot naman.

Ricci Paolo Rivero

Nakipag apiran si Ricci sa kaibigan niya na si Brent Paraiso.

Play the Song: Tagpuan

Parang nag slow mo ang lahat. Habang ako nakatingin kay Ricci at siya parang dahan dahang tumitingin sakin ng naka ngiti. Tapos tinignan niya ako sa mga mata.

At tumigil ang mundo nung ako'y ituro mo

"Nabihag mo ang puso ko na wala ka man lang ginagawa."

Hindi ko na namalayan na nakatingin sakin si Ate Ara ng naka ngiti.

HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now