After namin kumain nag bestfriend-talk na kami ni Faith...
Medyo kumalma na ako after kumain kaya Faith na ang tawag ko sakanya. Yun naman talaga ang tawag ko sakanya eh. Kapag naiinis or bad mood or nagpPMS ako dun ko lang naman siya tinatawag na "Paeta" ;)
" so sammy kamusta na kayo ni kuya? "
" ewan. Ganun pa rin. "
" mahal mo pa siya? "
" ewan. "
" sammy ang tipid mo naman sumagot eh. Ang tagal mo nang iniiwasan ang topic na ito. Magcocollege na si kuya next year. Mahihiwalay na siya bago mo pa amining mahal mo siya. Sammy .... walang mangyayari kung tutunganga ka na lang at aasa sa himala."
" wala rin namang mangyayari kahit ipagsigawan ko pa sa buong mundo ehh. "
" pero... Kahit na.. Dapat ipaglaban mo pa rin ang feelings mo para sakanya. Sabi nga nila na sana hindi ka na lang nagmahal kung hindi ka handang masaktan. "
" gaano ba kasakit sammy... kung sakali."
" masakit. Sobra pa sa sobra. Pero wala naman akong sinabi na 'Sure na' na gagawin sa iyo yun ni Kuya. Na sasaktan ka niya.. Kilala mo naman siya, hindi ba? "
" oo naman. Pero kung sakali kasi .... Baka hindi ko kayanin. "
" kaya mo. Kung ako nga kinaya ko, ikaw pa kaya! Tsaka nandito lang naman ako para sa iyo. Aawayin natin ang mananakit sayo kahit kuya ko pa man yun. "
" awww... By the way. Balita ko dito daw magchriChristmas vacation sila Chris. "
" oh. " sabi ni Faith with poker face. pero alam ko she cares. Truly cares. Kaya nga nasasaktan pa rin siya ngayon ehh. Hindi pa rin siya makamove on.
Ganun nga ba talaga kasakit yun?? Handa na ba akong maranasan iyon?. O aaksayahin ko na lang ang matagal kong pagkakamartyr at papanuorin na lang siyang lumayo...
Parang ang sakit ng pareho. kasi hindi ako kampante sa sarili ko. Mas gusto ko pa rin yung Perfect Alexa for Tom. Kasi napasaya niya si Tom.
Eh ako. Mapapasaya ko kaya si Tom someday?
Natatakot ako...
Hindi ko naman kasi namalayang naiinlove na ako... sa kuya ng bestfriend ko.
Hindi kami close. Hindi kami nag-uusap gaano. Hindi kami friends. Hindi kami magka anu-ano. Hindi kami. Hindi ko nga alam kung makikilala ko siya kung hindi friends ang parents namin eh...
pero swerte pa rin ako.... kasi nakilala ko siya.
"Ey!! SAMMY!!! nakikinig ka ba?!! "
" huh? may sinasabi ka ba? "
" aii naku... kanina pa ako dada ng dada dito!! "
" weh? "
" aii nakooo.... so ano na nga ang plano mo? "
" saan? "
" DUH!!! "
" saan nga? "
" Sammy Tommy sitting on a tree K-I .... "
" SSSHHHHH! .... wala. "
" ano? bakit? so ganun ganun na lang iyon?! pagkatapos mo siyang mahalin ng pagkahaba-habang panahon papakawalan mo na lang siya?? "
" hindi naman siya mawawala eh. Lilipat lang siya ng school Faith. "
" Pero mahihiwalay pa rin siya. Ibang environment. Ibang mga tao. "
" ano ka ba Faith ...... haha. Hindi naman kami eh... "
" yun na nga eh!!! Hindi ka kasi niya napapansin or PInapansin. Kaya dapat ipaintindi mo sakanya ang sinasabi ng puso mo para naman bigyan ka niya ng atensyon at importansya! Think Positive Sammy!! "
" paano?? "
" Dapat kang magstand out. "
" paano? "
" puro ka naman paano eh.. edi magdaDate kayo! "
" huh?! Pano mangyayari yun? Tingin mo makikipagdate sakin ang kuya mo?? "
" madali na lang yun! "
" ehh baka mamaya magalit pa sa akin yun! "
" hindi yan! MAMAHALIN ka pa nun! ;) "
" LOKA! Ayaw ko! "
" Friendship or Relationship? "
" Both. "
" Hindi iyon puwede. Masyado kang greedy. Kapag nagmahal ka dapat sure ka na siya lang wala ng iba. Dapat willing kang ipagpalit lahat para lang sakanya dahil mahal mo siya. Yun ang Love.."
" gaya ng ginawa mo? "
"... " hindi ko namalayang iniba pala ni Faith ang topic kanina nung pinag-uusapan namin si Chris. Mahal niya pa rin si Chris.
Si Chris. Yung bestfriend namin... dati. Nakilala namin siya ni Faith nung Grade 4 kami. Nanunuod kasi kami noon ng Nationwide Broadcast Cooking Show sa mismong set nila kasama ang family namin. Tapos iniintriga namin ni Faith si Chris kasi siya na lang yung nag-iisang lalaking natira sa cookign show. Eh last round na yun, tatlo na lang sila, 2 babae at si Chris, hindi ba ang awkward talaga ng itsura. hahahahha XD. Sabi namin kapag nanalo yung nag-iisang lalaki, CONFIRMED... na bading siya. HAHHAHA XD
TAPOS....
NANALO NGA...
hahahahahahahahah XD laughtrip kami nun ni Faith. Weirdo kami. Kasi kahit simpleng bagay napagkakatuwaan namin. hahahahah XD
Tapos nung Grade 5 kami may transferee. TAPOS LAKING GULAT NAMIN na yung lalaki sa cooking show yung transferee student! HAHAHAHAHA XD
Hanggang sa lunchbreak na at di namin mapigilan ni Faith na intrigahin si Chris. Tapos yun nilapitan na namin siya .....
Chris - Faith Love Story .... to be continued .....
[ HALLLUUUU!! Maaga ako nag-update ngayon =D Medyo masaya eh. LOL XD. Eiy! Like I used to say CRITICISMS ARE WELCOME!!! :D and don't forget the THREE POWER WORDS! VOTE. COMMENT. and FAN. !!! LOVE YOU ALL <3 THANKS A LOT!!! =) God bless ]
BINABASA MO ANG
Crazy Lovestory (On-Hold)
Teen FictionAng story na ito ay tungkol sa high school life including LOVE, ATTRACTION, ADMIRATION, FRIENDSHIP, HOPEFULLNESS, FAITH, TRUST, FAMILY at MADAMI PANG IBA na maeenjoy niyo. =D LOVE ano nga ba ang LOVE? iba-iba ang pananaw natin sa LOVE. iba-iba ang...