Unang Kabanata
________________________________________________________________________________
"Ran, apo! Gumising kana at magtatanghali na baka malate ka pa sa eskwelahan." Isang malakas na sigaw ng aking lola sa aking kwarto. Napatayo ako at dali daling tiningnan ang pasirang alarm clock na binili ko last year sa tiangge.
"Alas-cinco palang Lola. Saang parte dun ang tanghali?"
Bakit ganyan ang mga matatanda kung makasabi ng tanghali akala mo naman tirik na tirik na yung araw pero ang totoo kakatilaok pala ng manok.
Yah know what aym saying?
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at unting unti bumalik sa aking mahimbing na tulog.
-------------------------------------------------------
"Apo! Jusmiyo ka namang bata ka at kanina pa kita ginigising tingnan mo malalate ka na!"Tinapik tapik ako ni Lola Rosita.
Umupo ako sa kama ng nakapikit.
" Lola ineechos mo nanaman ako kanina sabi mo malalate na ko eh alas cinco palang pala.""Bakit anong tingin mo sa orasan mo? Bagong bili?! Hindi mo ba nakikita na sira na yan at mali mali na ang oras." Napadilat ako at napatingin kay lola.
"La anong oras na?!"
"Ay sus ginoong bata ka alas- siete na eh diba 7:30 ang pasok mo?"
"Jusko lola chinika mo pa ko." Dali dali akong tumayo at nadapa.
"Pu-"
"Ran, ang bunganga mo baka gusto mong silihan ko yan."
"Purong puti ang kulay ng kumot! Ang galing mo talaga maglaba, lola! Sige la ligo na me."
Buset na kumot.
Tumayo ulit ako at dali dali akong dumiretso sa cr.
________________________________________________________________________________
Kung may ikasasalamat man ako ay yung nabiyayaan ako ng ability na mabilis maligo at magbihis.
"Hindi nga ako malalate dahil sa pagligo malalate naman ako dahil sa traffic." Hindi na nga makaupo tapos hindi pa kagandahan ying amoy ng mga katabi ko kung minamalas nga naman.
Pero dapat hindi ako maging judgemental mamaya kaamoy ko narin sila. Hindi pa naman ako nakapagdeodorant. Nagtawas naman ako pero konti lang nalagay ko sa kili kili ko.
"Rambutan Station. Paparating na sa Rambutan Station.
Bumaba na ako, more like nagpaagos na lang ako sa daloy ng mga tao para makababa.
Pagkatapos ay sumakay ako ng jeep papuntang eskwelahan at tulad ng dati ay iniintay munang maging sardinas yung jeep bago lumarga.
Sa totoo lang, anong tingin ng mga tsuper sa jeep nila? Lata ng sardinas ganern?
After ng ilang ikot at diresto ay nakarating na ako sa AA o Academic Academy. O diba pinagisipan yung pangalan.
Dahil sa gate lang nagbaba yung jeep ( which is nakakaloka) ay napilitan akong mag lakad at dahil late na talaga ako echos lang yung maglalakad ako dali dali akong tumakbo mg pagkabilis bilis papunta sa classroom ko.
Dumaan ako sa exit door para hindi ako mapansin ng teacher namin si Ms. Mahinahon na busying nagsusulat ng sangkatutak na alien language sa board.
Umupo ako sa assigned seat ko sa harap ni Bea.
"Pst! Bakit ka late?"
Hindi ko muna siya pinansin dahil inaayos ko yung mga gamit ko sa desk.
"Aray!"Bulong ko at tiningnan ko ng masama si Bea.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Screams Dreams
Teen FictionRannie Lopez has never sang in front of a large group of people. She have never touched an instrument in her life whatsoever. She also never dreamed of becoming a world class performer either. She didn't even thought of the possibility of entering a...