A.N: Hiiii readers. First One shot at tagalog story ko ito so please. Wala pong laitan ang magaganap, you can criticize pero wag pong manglait. Thank you and please enjoy my story :)
[Gil's P.O.V]
Ayan na naman siya. Nakikita ko na naman ang babaeng alam kong hindi ko makukuha. Haaay buhay nge nemen. Oh Hi ako si Gil Torres. 4th year high school sa Sectario High School, for short graduating na ako. Graduating na ako at hindi ko parin machempohan si Hannah.
Sino siya? Siya ang babaeng alam kong hinding hindi ko mapapantayan at makukuha pero hindi ko pa rin mapigilang mahalin. Kung nagtataka kayo kung bakit napaka nega akong nilalang eh kasi...
Si hannah ay isa lang namang Mayaman, Maganda, Matalino at nasa kanya na lahat na type of girl. Sino ba namang hindi maiinsecure aber? Isa pa, President rin siya ng student body namin. Well... siguro swerte na rin ako dahil ako ang Vice niya oh diba? Lumevel up ang bida teng! ay joke hahaha
" Oy Gil!! " ay potek ang lakas. Nung lumingon ako kung saan nanggaling yung sigaw, bumungad sakin ang mala anghel na mukha ay este ang mukha ni Hannah.
"Oh?" matipid kong sagot.
" Oh ka diyan?? Eh kanina pa kita tinatawag. Kala ko iniisnob mo ko yun pala tulala ka lang." sagot niya. Ay ganon? Sorry nag introduction pa kasi ako eh. Peace
" Ah sorry. Marami lang akong iniisip" sabi ko sa kanya at ngumiti. Di ko alam kung namamalikmata lang ako pero bakit parang namumula siya?
" Okay ka lang? Namumula ka ata? " tanong ko sa kanya.
" A-ah.. Ako n-namumula?? Ay wala to baka nainitan lang ako kaya ako namumula." sabi niya
" Sure ka okay ka lang? " lalapitan ko sana siya para icheck kung okay lang talaga siya pero bigla siyang lumayo
" O-okay lang talaga a-ako!! " sigaw niya at nag thumbs up. hahaha cute. Oh wag O.A ah? Crush ko nga diba? Malamang kahit anong gawin niyan, cute at maganda yan sa paningin ko.
" Sabi mo eh" sabi ko at binalik ko ang tingin ko sa harap. Baka sumabog na puso ko sa kakausap sayo. Kinikilig ako ampota. Hahaha nakaka bakla shet! Ay hindi pwde. Magiging girlfriend ko pa sa Hannah. hahaha kapal ng mukha ko noh? Ganyan talaga pag H.R (Hopeless Romantic)
"Okay Good Morning Class." At dumating na ang teacher. Mabuti pang makinig muna ako sa lecture baka pumunta na naman utak ko sa fantasy world.
[Hannah's P.O.V]
Haaay. Ang gwapo niya talaga. Ang gwapo gwapo talaga ni Gil. Oo hindi kayo mali nang nabasa. Crush ko siya. Dati pa. Pagkausap ng pagkausap niya sakin nung 1st year kami dun ko naramdaman na may kakaibang aura siya. At dahil sa naging close kami mas lalong nadevelop feelings ko para sa kanya.
Hindi ko nga alam kung bakit ngayon pa ako na coconscious eh dati kayang kaya kong itago tong nararamdaman ko. Naku sana hindi niya malaman. Natatakot kasi ako... Natatakot akong baka pag nalaman niya eh layuan niya na ako. Haay. Kung alam niya lang kung gano ko siya kagusto.
" Okay please work with your partners now. Pass your reports 5 minutes before the time." ano daw? Halaaaa. Anong sabi ni sir?? Di ko alam sino partner ko T_T Gil kasi eh pinapalutang na naman isip ko.
" Hannah." ay ang ganda ng boses. ay bobo wag kang mag pantasya ngayon ano ba.
" Yup? " sagot ko
" Tayong dalawa ang partner. Mukha kasing nagpapanic ka nung narinig mo yung last na sinabi ni sir. Tsaka parang di ka rin nakiking kanina? Para kasing lutaw i-" di ko na siya pinatapos. Nakakahiya na Gil stop na. Istap.
BINABASA MO ANG
M.U (Mag-isang Umiibig) One Shot
RomanceHannah Reyes ang kaisa-isang babaeng minamahal ng isang tulad ko. Isang tulad ko na walang kaappeal appeal, hindi gwapo, at hindi malapitin sa babae. Haaaaay. Sana naman maging totoong M.U na kami na Mutual Understanding. Hindi yung ako lang ang M.U...