Poseidon Amadeus Zerrocio's POV
"Uy pre! Bakit ang aga mo? Miss mo na naman ako noh?" Yayakapin na sana niya ako kaso umilag ako.
"What the-- lumayo ka nga!" Si Eric na tinulak si Maurice. Hahahaha!
"Ang arte neto! Swerte mo nga't nayakap ka ng gwapong katulad ko!" Umirap pa ito kay Maurice at napabaling na naman sa'kin.
"Bakit kasi umiwas ka pre? Yung nireregla tuloy nayakap ko!" Tinignan ko siya ng masama at napaatras naman siya. Kung may nireregla may bakla wahahahaha.
"Di tayo talo pre" nakangiwing sagot ko. Napairap nalang siya at tumingin ng masama kay Eric.
"Oh? Bakit ako tinitignan mo ng masama? Kasalanan ko bang bakla ka?" Napabungisngis ako sa sinabi ni Eric.
"Tama na yan, let's go malelate na tayo sa party" at dumating ang dakilang killjoy.
"Halatang di mo pinaghandaan pre!" Pinasadahan pa niya ng tingin si Warren.
Nandidiring umiwas si Eric, umaandar na naman kasi ang kabaklaan ni Maurice.
"Tsk inggit ka?" Nakangising tanong ni Warren.
Agad na sumimangot si Maurice "Sinong maiinggit? Lamang parin ako ng isang daang paligo"
Tumingin ako sa wall clock nila Maurice "Tara na malelate na talaga tayo, mapagalitan pa tayo ni dad"
"Yeah yeah yeah" sang ayon ni Eric.
Pagdating sa hotel kung saan gaganapin ang party kunno, puro mga elites ang mga guest. Ano kayang meron at pati mga sikat na tao mapashowbiz o bussines man ay nandito?
"Ano bang balak ni tito? Ngayon lang nangyare 'to huh" tanong ni Eric na isa isang pinapasadahan ng tingin ang mga guest.
"Nakakakaba 'to huh" napapalunok na saad ni Maurice. Pinagtitinginan kasi kaming apat, yung tipong binibigyan pa nila kami ng daan at lahat sila'y titig na titig sa amin.
Sabay sabay kaming napaayos sa tie ng suit namin. Ganyan kami pag kinakabahan, nakakatawa lang minsan dahil kailangang sabay sabay pa kami. Hindi pa naman kami sanay sa mga social gatherings, ayaw na ayaw naming umaatend dahil sa atensiyon na naitutuon sa amin.
Dire diretso lang kaming pumasok hanggang sa table na naka assign sa amin.
"Phew! Akala ko mamatay na ako sa kaba eh" nakakailang baso na siya ng tubig simula noong makaupo kami.
"Dahan dahan sa tubig pre, mamaya pabalik balik ka na naman sa cr" nakangiwing saway ni Eric kay Maurice.
Napansin kong seryosong nakatingin sa'kin si Wallace "What?" Tanong ko sa kanya, napapailing na umiwas siya ng tingin. Ano bang problema nito?
"Hindi lang ang dad mo ang may pakana nitong party" napatingin na din yung dalawa sa kanya.
"Ibig sabihin??"- Maurice
"Involved din ang daddy nating tatlo" yun lang?
"Yun lang pala eh, malay niyo naghahanap lang sila ng--"
"Thankyou for joining us tonight ladies and gentlemen" naagaw ni dad ang atensiyon namin. Linibot niya ang kanyang paningin hanggang sa nahinto ito sa kinaroroonan naming apat.
Bakit parang may mali? Nagkatinginan kami nila Warren. Mukhang ramdam din nila ang nararamdaman ko at mukhang hindi maganda 'to.
"I would like to call Mr. Cortez to join me here in front to announce the cause of this occasion" mula sa isa sa mga mesa ay tumayo ang isang lalakeng napapalibutan ng mga bodyguards. Hindi namin makita ang mukha niya dahil sa mga nakabantay sa kanya.
Tumabi ang mga ito hanggang sa makita ng lahat kung anong itsura ng taong kani kanina ay nahaharangan.
Paano ko nga ba siya ilalarawan? Napakakisig at napakagwapo ng lalake. Napakamisteryoso ng kanyang awra at nakamamangha siyang panuorin habang siya's naglalakad papunta sa kinaroroonan ni dad.
"Ah, amigo I'm glad you agreed to this" nakangiting salubong ni dad kay Mr. Cortez.
"No, it's my pleasure. Besides, we do need to do this." Pormal ang pakikiusap nito kay dad at walang bahid ng intimidasyon sa kanyang mga kilos. Pagkatapos nilang mag-usap saglit ay ibinigay ni dad kay Mr. Cortez ang mikropono.
"I would like to call Mr. Poseidon Amadeus Zerrocio"
What???
"Mr. Eric Klaus de Rivo"
"Mr. Warren Shun dela Fuente"
"And Mr. Maurice Oliver"
Takang-taka man kami pero mas pinili naming pumunta na muna sa kung saan sila dad at mukhang naroon na din ang mga daddy nilang tatlo.
Pinaharap niya kami sa mga bisita. Tinapik niya isa isa ang mga balikat namin, ramdam ko ang kaba ng mga kasama ko. Tahimik na nakatitig ang mga bisita sa amin.
"Everyone! I will now announce the engagement of these four gentlemen to my one and only daughter, Lane Titania Cortez"
Ano?!!!!!! Gulat na napatingin kami kay Mr. Cortez na ngayo'y isinenyas na buksan nila ang pinto ng hotel. Gusto naming umangal pero ayaw naming mapahiya....dad ano ba 'to?!
Gulat na gulat kami ngunit naagaw agad ng atensiyon namin ang pagpasok ng apat na tao mula sa pinto.
Tatlong magkakamukhang lalake at isang--
0.0?!
"Patay na ba ako?" Rinig kong bulong ni Maurice.
Sino siya?
------
End of chapter 1
Sorry for the wrong grammar/spelling of words.
BINABASA MO ANG
Engaged to Her
Teen FictionOne finger, four engagement rings. Who will win and who will lose? Halina't ating alamin^^