Keisha Llaine Van's POV
"VAAAAAAAAAAAN!!!!"
"GISINGGGG NAAAAA!!!"
"Ugh...ano ba yan."
Naalimpungatan ako habang may isang baliw na sumisigaw sa labas kulang nalang gibain nya yung pinto sa kakakatok-- teka kakalampag pala ng pinto.
"HOOOOYYYY! ANO BAAAAA!"
Di muna ako nagsalita bahala siya mapaos kakasigaw diyan. Psh, baliw!
Tumayo na ako't pumunta sa banyo para maghilamos at ng mapatay ko na yung taong baliw na yun, pero joke lang di naman ako ganun kasama.
"KEISHA LLAINE VAN LANDOVA!!! BABANGON KA O BABANGON KA?! GIGIBAIN KO NA TALAGA TONG PINTUAN MO!!"
Ts, baliw talaga! Nang matapos nako at bago pa niya masira pintuan ko, lumabas nako at akmang sisigaw nanaman siya nang tinakpan ko yung bibig niya ng kamay ko't hinawi saka naglakad patungong kusina.
Paano siya nakapasok dito? May spare key lang naman siya. Paano siya may susi? Kinulit ng kinulit lang niya naman ang magandang ako kaya wala akong magawa kundi ibigay sakanya yung isa para naman matapos na siya kakakulit.
"Boba! Ano ba kailangan mo at nagsisigaw ka ha?" Inis kong tanong sakanya.
Pagdating ko may nakain nang bacon, egg at milk sa mesa, may silbi din pala tong boba na 'to.
"Eh, diba ngayon yung enrollment dun sa Western University?" sabi niya, note..kumikinang pa mata niya pagkasabi niyan.
"O, tapos?" walang ganang tanong ko at kumuha na ng bacon at saka kinain.
Wala naman akong pake kung ngayon yung enrollment dun eh at isa pa ayaw ko sa lugar na yun ang daming mayayabang at feelingera, psh!
"Anong tapos? Edi goraaa na tayo bessy."
Oo nga pala di ko pa nasasabi, best friend ko nga pala tong boba'ng si Saphara Jane Coyoca. Di ko nga alam paano kami naging magkaibigan basta isang araw nalang...boom! Best friends na kami, o di'ba? Parang noodles, instant.
"Pumunta kang mag-isa, 'wag mo kong idadamay diyan sa kalokohon mo Ara ah." Sagot ko matapos inumin ang gatas at tumayo, ramdam ko naman ang pagsunod nung isa.
"Sigeee na bessy pleaseeee." pagmamakaawa niya.
"Ayaw."
"Pupunta."
"Ayaw."
"Oo."
"Ayaw nga sabi, eh."
"Pupunta nga sabi, eh."
At the end nanalo ang bruha, wala akong magawa eh sa ang kulit nang babaeng to eh saka may suhol 'to nu akala niya maiisahan niya ang magandang ako? Nah-uh.
Nandito kami ngayon sa harap nang Western University, pangalan palang pangmayaman na but i didn't say na i can't afford to study here diko lang talaga kaya mga pagmumukha ng mga estudyante dito, lol.
Agad naman kaming pumasok sa registration office kung saan ang enrollment nagaganap, nakikipagsiksikan pa nga kami para lang makapasok. Ang dami palang tao, psh!
'Malamang van madaming tao, enrollment kaya.'
Aishhhh... nakakabobo din pala to dito tignan mo nakikipagusap nako sa sarili ko.
Nagsimula nang kumuha ng enrollment form si Ara at sabay nagfill-up nito, nandito lang ako sa tabi habang hinihintay yung bruha na matapos sa checheklavush niya. Asar! Ginawa pa akong tagahintay.
BINABASA MO ANG
Melting Her Icy Heart
Teen FictionHow can a relationship stay longer if one of you won't even fight for it? She is the girl he wasted. The girl who already gave her fullest love but still no appreciation from the guy she loves. The girl who already lose her emotions and totally hard...