DENNISE POVDalawang araw na simula nung gulong nangyare kila Aly.. At ngayon nandito parin sila sa hospital, kaming dalawa ni Jirah ang nag babantay sa dalawa.
Wala yung magulang nila Aly may kailangan daw muna silang asikasuhin pero araw-araw silang dumadalaw sa dalawa. Yung mga kaibigan naman namin mamaya pa daw sila pupunta dito.
"Gusto ko na umuwi" biglang sabi ni Mark.
"Ako din"--Aly.
"Kung hindi sana kayo nakipag away, edi sana wala kayo dito tapos gaganyan-ganyan kayo"--Jirah.
"Nilabanan lang naman namin yung mga yon ang yayabang kase Baby"--Mark.
"Dibale na tawagin kayong duwag, wag lang may mangyareng masama sainyo" sabi ko.
"Oo nga. Baket ba kase napunta kayo sa mall, sabi nyo pupunta kayo kila Amyr?"--Jirah.
"Siguro nambababae kayo don no?" nataray kong sabi habang nakatingin kay Aly.
"Grabe sya. Babae agad? Naiinip kase kame kila Amyr kaya pumunta kame sa mall, pati dun na din kame kumain, wala naman kase magluluto samen" sagot ni Aly.
"Marunong ka magluto ah! pati si Ai, baket hindi kayo ang nagluto?" tanong ni Jirah kay Mark.
"Tinatamad kame magluto eh" sabi ni Mark habang kakamot-kamot sa batok nya.
"Basta talaga tinamaan ng katamaran eh no?" masungit na sabi ni jirah habang nakatingin kay Mark.
"Sa susunod wag na kayo makikipag away kung kani-kanino. Tignan nyo, hindi nyo pala alam na may dala pala yung mga nakaaway nyo na patalim. Oh. ngayon, anong nangyare sainyo? Napunta kayo dito sa hospital, sa susunod mag iingat kase kayo! Ikaw naman Aly, alam mo namang hindi ka sanay makipagbasagan ng muka." Sermon ko. Para naman madala na'tong mga to-_-
"Sorry na love. Hindi na ulit mauulit, wag kana magalit okay na pati naman kame/ako"malambing na sabi ni Aly.
Hinawakan nya din ang kamay ko at hinila para mas mapalapit pa ako sakanya kaya hinilig ko ang ulo ko sa balikat nya. Napangiti ako ng halikan nya ang ulo ko.
"Aysus! Talandii"
Agad naman kame napatingin kung sino ang nagsalita. Nakita namin sila besh kasama ang iba pa naming kaibigan kadadating lang nila.
"Anong ginagawa nyo dito?! Sino may sabing pumasok kayo dito! Guard paalisin nyo tong mga to!" parang tangang sabi ni Mark.
"Aba! Siraulo ka ah!" napatakip ng ulo si Mark ng ambahan sya ni Greg ng batok.
"Hehe joke lang naman brad, to naman hindi mabiro halika nga kiss nalang kita namiss kita eh" sabi pa ni Mark habang nakanguso pa yan ha! Hahaha.
"Miss ka ba ha! Panget mo boi" nagtawanan naman kame ng sabihin yon ni Greg.
"Burn!" sabi naman nila Aly at nagtawanan sila nila Amyr.
"Grabe ka naman dude, hindi mo ba talaga ako miss? Diba nga nagtetext ka pa nga saken tuwing gabi na namimiss mo'ko at gusto mo'ko makita?" sabi pa ni Mark.
"Ulol... Wala akong naaalala na tinext kita ng ganon! Baket, ikaw ba girlfriend ko ha, ikaw ba si Fille para mamiss kita?" sabi ni Greg at nag backhug pa sya kay Fille nyan ha! Landi din ng mga to eh! Tss.
"Hindi mo na ba talaga ako mahal, Greg?" umarte pa si Mark na umiiyak habang sinasabi nya yon. Parang tanga eh! Hahaha
"Yuck! Dude, bakla ka?" natatawang tanong ni Aly kay Mark. Hahaha
"Ikaw din Aly. Akala mo ba nakakalimutan ko'na yung sinabi mo saken noon ha?" sabi naman nya kay Aly.
"Naano naman yon?" tanong ko kay Mark.
"Na... Ginagamit ka lang nya para pagtakpan yung nararamdam nya para saken. Dennise, hindi ka talaga totoong mahal ni Aly. Ako talaga ang mahal nya hindi ikaw" may tama na ata tong lalaking to.🙄
"Siraulo ka talaga! Hindi kita mahal, si Dennise lang ang mahal ko, hindi ikaw" sabi naman ni Aly. 😊
"Jirah kailangan mo na hiwalayan nyang boyfriend mo, hindi na ata babae ang gusto kundi lalaki na din" natawa naman kame ng biglang sabihin yon ni Ai. Hahahaha😂
"Siguro nga, tapusin na natin to Mark. Pinapalaya na kita pwede ka na manlalake" pakikisabay naman ni Jirah kaya mas lalo kami natawa.
"hala.. Nagbibiro lang naman ako, hindi kayo mabiro tsaka hindi ako bading" asar naman na sabi ni Mark.
"Ikaw pala dyan eh. Epekto siguro ng nangyare sayo yan kaya ang lakas ng trip mo no!" natatawang sabi ni Dzi. Hahaha siguro nga.
"Oo nga pala kailan daw ba kayo pwedeng makalabas dito?" tanong ni Fille.
"Pwede naman daw na ngayon kaya pupunta sila mommy para ayusin yung bill namin para makalabas na din kame agad" sabi ni Aly. Napatingin sya saken ng ayusin ko yung buhok nya. Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya.
"Tama na ang harutan at kumain na tayo" biglang sabi ni Besh na halata namang kami ang pinariringan nya. Tsk epal ne'to..
"Bitter mo besh" irap ko sakanya at tunulungan yung mga girls ko na magayos ng kakainin namin tapos yung mga boys naman ayun mga nagtatawanan na kasama sila Aly.
"Buti naman at makakakain na. Alam nyo ba na kanina pa ako nagugutom ha?!" Sabi ni Ella. Ang daming laman ng plato nya punong puno na ata😂 takaw talaga 🙄
"May alaga ka siguro sa tiyan kaya ang lakas mo kumain Ella" --Dzi
"Oo nga. panigurado naman hindi kayo share ni Amyr ng pagkain. Tignan mo nga yang plato mo punong puno ng pagkain" sabi ni Fille at tinuro pa yung hawak na pagkain ni besh nagtawanan naman kaming lahat😂
"Grabe kayo no?! Di ba pwedeng gutom lang talaga ako kaya ang dami ko nilagay sa plato ko?" ma'ang naman ni besh.
"Aysus..palusot pa Besh. Ang sabihin mo ganyan kana talaga" natatawang sabi ko kaya nagsitawanan din yung iba.
"Bahala kayo dyan" nakabusangot na sabi ni Ella at nagpatuloy na sa pagkain nya.😂
"Oo nga pala, anong oras daw kayo pwedeng lumabas na?"--Fille.
"Iniintay nalang namin sila Daddy. Papunta siguro sila dito para bayadan na yung lahat ng gastos" sabi ni Aly habang pinapakain ko sya.
"Love share tayo oh. Lagi nalang ako inuuna mo kagabe hindi ka kumain" sabi Aly saken bakas sa muka nya ang pag aalala.
"Wala lang kase ako gana kumain kagabe. Kakain naman ako mamaya pagkatapos kong pakainin ka" nakangiting sabi ko at hinalikan ko sya sa buong muka na sya namang ikinangiti nya.
"I love you, Love" malambing nya'ng sabi.
"I love you too. My love" sabi ko at mabilis ko sya'ng hinalikan sa labi.
Pagkalipas ng dalawang oras dumating na din sila tito para asikasuhin yung mga nagastos nila Aly kaya agad din naman nailabas sila Aly sa hospital.
Nagkanya kanya na kame ng sakay sa mga sasakyan na gamit namin. Yung mga kaibigan namin tuloy na sila sa mga bahay nila yung iba naman may ibang pupuntahan pa.
Kame naman ni Aly nakasakay sa kotse ng Daddy nya nasa likod kaming dalawa tapos sila tito at tita nasa harap. Sumama muna ako sa bahay nila kase sabi ni tita mamaya nalang ako umuwi para ipapahatid nila ako sa driver nila pauwi.
Pagdating namin sa bahay ng mga Valdez agad naman kaming sinalubong ng mga katulong nila para ibaba yung mga gamit ni Aly.
Agad kaming umakyat nila tita sa kwarto ni Aly kase bilin ng doctor bawal pa muna sya mag gagalaw kailangan pa nya magpahinga para mas mapabilis yung paggaling ng mga sugat nya.
Lumipas ang ilang oras bago ako nagpahatid sa driver nila Aly. Gusto pa nga ako mag stay nila tito para makapag pahinga na rin daw ako pero sinabi ko nalang na sa bahay nalang ako magpapahinga at inintay ko lang talaga makatulog si Aly bago ako umalis para umuwi muna samin.