"Buhay ako, pero hindi na marunong huminga. Buhay ako pero hindi magawang harapin ang umaga. Oo buhay ako pero patay na ako"
Nagising ako sa malakas na ihip ng hangin na nagmumula sa malalim at komplikadong kalawakan, nakalimutan ko nga palang isara ang aking bintana dahil sa kagustuhan kong makatulog ng maaga. Bakit? Dahil umaasa ako na sa pagtulog ko magiging maganda na ang umaga, magiging maliwanag na ang dilim, magiging makasaysayan na ang pagmulat ng aking mata.
Dahan dahan akong bumangon at sinulyapan ang malaking orasan na nakasabit sa aking pader. Oo nga pala, may pasok nanaman. Dali dali akong bumaba, maaliwalas ang bahay naaamoy ko nanaman ang masarap na luto ni mama. Pinaghahandaan nanaman niya ang pagpasok ko sa eskwela. Napangiti ako sa ideyang yun ngunit bigla akong nahinto sa aking pag iisip nang makitang bakante ang kusina, walang masarap na pagkain ang nakahain, walang matamis na ngiting bumungad sa akin at higit sa lahat wala ang presensya ng pinakamahalagang babae na nagluwal sa akin.Pumasok ako sa paaralan ng walang kagana gana, maaga nanaman palang umalis si papa ni hindi ko na siya masyado nakikita kahit nasa iisang estraktura lang kami.
Eudora: Bes ano ng balita? Ok kana?
Fanny: Kumain ka ba o hindi? Miya wag mo naman pabayaan sarili mo. Nandito pa kami oh diba Eu?
Eudora: Oo nga naman kasi bes
Ako: oo bes ayos lang ako wag na kayo mag alala.
Pinilit kong ngumiti ngunit nabigo parin ako dahil alam kong alam nila na sa ngiting yun hindi sila nakumbinsing ayos lang talaga ako. Kung nandito lang sana si mama.
Patuloy parin akong tinatanong ng mga kaibigan ko ngunit hindi ko na sila masagot. Pumasok na kaming tatlo sa silid aralan ngunit sa buong hapong iyon wala akong naintindihan. Naging lutang ako buong araw. Nagsisimula nanamang mag alala sina Eu at Fanny pero hinayaan muna nila akong mapag isa.
Umuwi ako ng bahay at hinanap si papa. Pinuntahan ko siya sa kwarto nila ni mama. Nandun pa pala yung mga damit na tinupi niya, hindi pa nagagalaw. Yung amoy ng kwarto ganun na ganun yung paboritong pabango ni mama. At yung mga larawang nakapatong sa lamesa nagawa pa palang ayusin ni mama hanggang ngayon buhay na buhay sa buong bahay ang presensya niya. Nagsimula nanamang tumulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha ngunit inipon ko ang aking buong lakas upang punasan ang mga luhang iyon dahil kailangan kong maging malakas kailangan kong maging matatag sa mga panahong ganito.Nakita ko si papa na nakaupo sa may lamesa, ang paborito niyang pagtrabahuan. Nakatulog nanaman siya, linapitan ko siya at nakita ang litratong yakap yakap niya.... ang litrato ni mama.
Niyakap ko si papa, nangangayayat narin pala siya matagal tagal narin pala mula nung huli ko siyang nakasabay kumain.
Kinabukasan....
Papa: Anak bakasyon niyo na pala. Dun ka muna sa lola mo sa probinsya
Ako: Pero papa, ayokong umalis dito sa bahay
Papa: Kailangan anak e, aayusin muna ni papa ang sarili niya ha? Para naman makabawi ako sayo anak. Ang dami ko ng pagkululang sayo
Ako: Papa naman, ayaw kitang iwan dito.
Papa: Susunduhin ka ng lola mo mamaya dito nak, kaya mag ayos kana. Malapit na daw sila
Napayuko nalang ako sa biglaang desisyon ni papa. Kami na nga lang dalawa tapos papaalisin pa niya ako dito? Wala na nga si mama, pati ba naman si papa?
Napilitan akong mag ayos noon at umalis ng masama ang loob kay papa. Habang nasa daan ay tanong ng tanong si lola nagagawa ko naman siyang sagutin ng maayos kahit na hirap na hirap na akong magsalita. Papalapit na kami sa aming destinasyon, mapapansin ang malaking pagbabago sa kapaligiran. Maraming puno sa mga daan at bihira ang mga bahay na aming nadadaanan marahil dahil ay nasa probinsiya na nga kami. Nakapunta na ako dito dati ngunit hindi ko na masyadong maalala dahil sa bata pa ako noon.
Pagbaba namin sa bus, bumungad samin ang malaking bahay ni lola ngunit hindi ito kasing moderno ng mga bahay sa ngayon. Malaki na ang pinagbago nito
Lola: Sana nakikita ito ngayon ng mama mo Miya
Ngumiti ako ng pilit sa sinabing iyon ni lola at tuluyan na nga kaming tumuloy sa loob ng bahay. Malamig sa loob, hindi parin mabubura ang katotohanang napagdaanan na ito ng panahon. Pinasok ko na sa loob ng kwarto ang aking mga gamit at nakita ang malaking bintana sa loob. Kitang kita ko ng malinaw ang bakuran na punong puno ng mga halaman.
Napagpasyahan kong lumabas muna upang maglibot libot. Habang naglalakad ako sa kawalan napansin ko ang isang lalakeng kumukuha ng mga larawan. Mula sa gilid na aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang kanyang itsura. At masasabi kong malungot ang kanyang mga mata
Agad agad ko siyang nilapitan dahil sa di ko malamang dahilan.
Ako: uhm hi?
Gulat na gulat siyang tumingin sa akin. Na parang hindi niya alam ang kanyang gagawin . Kung tatakbo ba siya o ibabato sa akin ang hawak niyang camera.
Siya: Sino ka?
Nagtatakang tanong niya sa akin.
Ako: Naku! Pasensya na nagulat ba kita? Naglalakad lakad lang kasi ako dito tapos ayun bigla nalang kitang nakita
Siya: Ganun ba? Pasensya na sa inasal ko kanina.
Ako: Ayos lang yun
Siya: Ako nga pala si Alucard. Ikaw? Anong pangalan mo?
Ako: Miya, miya ang pangalan ko.
Naging magaan kaagad ang loob ko sa kanya. Niyaya niya muna akong umupo upang makipagkwentuhan at pumayag naman ako. Sa pinaka unang pagkakataon nagkaroon ako ng lakas ng loob na ikwento ang buong nangyari bago mawala si mama.
Tandang tanda ko pa, kahit sa huling pagkakataon nagawa parin akong ihatid ni mama sa paaralan. Habang ipinagmamaneho niya ako nasabi niyang nahihilo daw siya kaya naman sinabihan ko siyang magpa check up na.
Sobrang malapit kami ni mama. Alam niya lahat ng mga sikreto ko,alam niya lahat ng pinagdadaanan ko. Makita niya lang akong nakasimangot alam na niyang may problema ako. Siya ang naging kapitan ko sa lahat ng bagay, siya ang naging lakas ko sa lahat ng pagsubok na dumarating sa aking buhay. Isang haplos lang niya sa aking buhok at isang yakap lang niya nagiging maayos na ako nawawala ang bigat sa aking loob. Ni hindi pa nga ako nakakapagsinungaling sa kanya dahil kilalang kilala na niya ako mula ulo hanggang paa. Masayang masaya kami kasama si papa ngunit ng dahil sa trahedyang iyon nagbago ang lahat. Naaksidente si mama habang pauwi sa bahay, ang sabi nagkaroon daw ng problema, may sakit daw pala si mama at bigla siyang inatake habang nagmamaneho. Ni hindi ko alam na may pinagdadaanan siya, ni hindi ko alam na sa bawat ngiti niya ay may halong sakit siyang nararamdaman. Wala manlang akong nagawa. Sana pala hindi "Mag iingat ka" ang sinambit ko ng paalis na siya sana pala sinabi kong mahal na mahal ko siya. Sising sisi ako ng araw na yun. Gumuho ang mundo ko ng malaman ang balitang iyon, sana nga biro lang ang lahat sana nga yun yung hindi totoong balita. Pero hanggang sana nalang ako. Ni hindi ko nagawang sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Gumaan ang aking pakiramdam ng maikwento ko sa isang estranghero ang bangungot na iyon. Matapos ang araw na iyon ay patuloy kaming nagkita, oo naging malapit kami sa isa't isa. Dahil pareho pala kaming nakatira sa dilim. Pareho kaming galit sa mundo.
Nakwento ko kay lola na may bago na nga pala akong kaibigan at nalaman kong si Alucard pala ay nag iisa nalang sa buhay, tanging lolo nalang niya ang kanyang katuwang. Sapagkat bata palang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at iniwan nalang siyang mag isa sa kanyang lolo na hanggang ngayo'y kasakasama niya parin.
Lumipas ang mga araw at nakita kong luhaan ang aking kaibigan. Patuloy niyang sinasabi sa akin na wala na daw. Wala na daw ang kanyang lolo. Iniwan na din daw siya ng kaisa isang taong nagmahal at tinuring siya bilang isang anak. Matanda narin kasi ito. Hindi ko alam kung paano ko siya papatahanin, hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin. Ang tanging lumabas lang sa aking bibig ay "Kaya mo to" ngunit mismong sarili ko'y trinaydor ako dahil hindi ko ito nabigkas ng buo.
Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ko na ulit siya nakita. Ang sabi ni lola ay umalis na daw siya upang hanapin ang kanyang pamilya. Naging malungkot ako ng malaman ko iyon ngunit masaya ako para sa kanya, dahil sa wakas may lakas na siyang harapin ang kanyang pamilya. Hindi katulad ko na hanggang litrato ko nalang siya makikita. Miss na miss ko na si mama. Lagi kong pinagdarasal na sana makita ko siya. Gustong gusto ko ng sumama sa kanya konting konti nalang at masisilayan ko na ulit ang ngiti niya.Naging malungkot ang mga sumunod na araw. At nalaman kong susunod pala dito si papa, darating pala siya dito bukas. At bukas sana'y maabutan pa niya ako.
Lola: Happy Birthday Miya! Happy Birthday Miya, Happy Birthday Happy Birthday, Happy Birthday Miya
Bungad sa akin ni lola pagkamulat ko ng aking mga mata. Oo nga pala, kaarawan ko nga pala ni hindi ko na ito naalala kakaisip ko kay mama.
Ako: Thank you po lola.
Lola: Magbihis kana Miya at nandyan na ang iyong papa
Tumango ako bilang sagot kay lola. Ito nga pala ang pinaka unang kaarawan ko na wala si mama. Dati rati siya ang unang unang babati, ipaghahanda ako ng mga masasarap at mga paborito kong pagkain at sabay nila akong kakantahan ni papa. Kung bakit kasi si mama pa ang kinuha,pwede namang ako nalang. "Hayaan mo mama, magkakasama na tayo mamaya" naibulong ko nalang sa aking sarili.Nakangiti akong sinalubong ni papa. Humingi siya ng tawad sa kanyang mga nagawa at niyakap ako ng parang laging ginagawa sakin ni mama. Nakita ko ring sinama niya si Eudora at Fanny
Eudora: Beeeeess!!!! Alam mo bang miss na miss na miss kana namin ni Fanny! Di ka manlang nagparamdam! Happy Birthday Miya namin
Fanny: Happy Birthday Miya. Andito lang kami lagi para sayo. Enjoy your day ha?
Papa: Happy Birthday anak. Pasensya kana kay papa ha?
Ako: Ok lang po yun papa
Papa: Halika anak umakyat muna tayo at may ibibigay ako sayo.
Nakangiting sabi ni papa. Pagkaakyat namin ay inilabas ni papa ang isang magarang kahon at binuksan ito. Nakita ko ang kumikinang na kwintas, napakaganda nito.
Papa: Alam mo bang matagal ng tinatago ng mama mo yan anak at balak niyang ibigay ngayong 18th birthday mo? Galing pa yan sa mga lola mo kaya ingatan mo yan ha? Sobrang pag iingat ang ginawa ng mama mo para lang maibigay ito sayo.
Naiyak ako sa tuwa ng dahil sa sinabi ni papa. Sinuot niya ito sa akin at pinunasan ang aking luha.
Papa: Tahan na anak. Alam mo namang ayaw na ayaw ng mama mo na nakikita kang umiiyak diba?
Ako: Opo papa salamat poWala na si mama, ngunit alam kong nandito pa siya. Nandito siya sa aming puso at kailanman hinding hindi siya mawawala dito lalo na't suot ko ang kwintas na kanyang regalo. Oo gustomg gusto ko ng mamatay gustong gusto ko ng sumama kay mama pero ngayon ngayon lang ay aking napagtanto. Iniwan na nga kami ni mama, iiwan ko din ba si papa? At ang mga kaibigan kong nagmamahal sakin?
Madaming rason upang ihinto na ang ating buhay pero mas madaming magagandang rason upang ipagpatuloy nating mabuhay. Walang problemang hindi natin kakayanin. Oo nga't nawala si mama ngunit madami pa palang taong patuloy na sa akin umaasa. Kaya kailangan kong lumaban, kailangan kong maging matatag. Dahil alam kong sa ganitong paraan hindi masasayang ang paghihirap ni mama na iluwal ako sa kanyang sinapupunan, hindi masasayang ang pagmamahal at pag aalaga nila sa akin ng lubusan. Napakasarap nga pala talagang mabuhay dahil may nagmamahal sa atin ng tunay.
Mahirap ang biglaang pagkawala ni mama, pero alam ko unti unti kakayanin namin ito ni papa sa tulong ng mga kaibigan kong kailanman hindi nawala.
BINABASA MO ANG
Grief
Short StoryKahit ano pa mang mangyari sa buhay, kailangan nating maging matatag at malakas sapagkat madami pang natitirang taong kaya tayong mahalin at pahalagaan.