Chapter 29: Mark's POV

740 5 0
                                    

Iniwanan lang ako ni Ashleen sa GYM. Ewan ko kung anong meron? Parang ang gulo gulo yata? Parang may mali sa kanya? May gumugulo siguro dun? May problema yata? Tinapos ko lang yung pagwawalis ko at tinawagan ko na si Lance. May gimik kasi sila ngayon eh? Hindi dapat ako sasama pero since iniwanan naman ako dito, makasama na nga!

Lance (on phone): Pre, mamayang quarter 8, magkita kita tayo sa jeep terminal, pupunta kami ng robinson's supermarket, mamamakyaw kami ng sitsirya!

Mark: Ha? Para saan?! Para san yun?!

Lance: May sleepover tayo sa bahay nuh?!

Mark: Sleepover sleepover nalalaman nyo! Para kayong mga babae!

Lance: Pre, makisakay ka nalang sa trip ng barkada ok? Sige na. Tumupad ka sa usapan. Wag ka mahuhuli!

Mark: Osigeeee! >.<''

---------------------

Iniisip ko pa rin si Ashleen habang hinihintay ko mga barkada ko sa terminal. Lahat ng sinabi niya nung isang araw? Bakit ganun siya umasta? Parang iniiwasan niya ko? Na ayaw niya kong makasama? Nasusuya na kaya sya sa pagmumukha ko? O.. Nagsasawa na kaya siya saken? Wag naman uh.. :( Mahal ko na yun eh :( Wala pa lang talaga akong lakas ng loob para umamin pero promise, aamin naman ako ehh. Konting panahon pa. Promise, aamin rin ako. Hindi ko palang talaga kaya ngayon.

Maya maya may kumakanta na ng makalumang kanta sa likod ko.

"Di na makatulog! Di pa makakain! Tigyawat sa ilong, pati na sa pisngi!"

Pag lingon ko yung mga barkada ko na pala! >.<'' Ang loloko! Ang tatagal pa nila!

Mark: 8:05 na! Late kayo ng 5 minutes!

Habang ipinapakita ko sa kanila yung relo ko.

Lance: 5 mins lang namn Brad. Okay lang yan! Tara na, Tara na! Sakay na!

Lee: Taraaa!

----------------

Sa Mall habang naghaharutan kaming magbabarkada. Dumaan kami saglit sa bench. Malapit na yun sa supermarket.

Lance: hoy, mga dre, may mga dala ba kayong brief nyo ha?! Baka mamaya wala ah! Bumili na kayo! Hindi ako nagpapahiram!

Luis: Ohyy/ To naman uh?! Ang damot mo. Wala akong perang pambili! Pahiram.

Mark: Kadiri ka brad!

Paul: Haahhaha! xD

Nag ring bigla yung cellphone ko kaya lumabas muna ko.

Mark: Uy. Teka lang mga pre..

*Mom Calling*

Mom: Anak ko, nasan ka na naman ba? Lagi mong iniiwan ang ate mo mag isa sa bahay.

Mark: Ma naman, malaki na si Ate. Di na yan baby. Kaya na niya sarili niya.

Mom: Pero hindi ka nagpapaalam.

Mark: Ma, malaki na rin ako. Kaya ko na rin ang sarili ko.

Mom: Nasan ka ba?

Mark: Gimikan lang po ng barkda.

Mom: Naku, yang barkada mo Mark ah.

Mark: Ngayun lang to Mom, I promise. i'll be home early in the morning tomorrow.

Mom: Okay sige. Ingat.

*Call ended*

Hayyy. Ang nanay ko talaga. Pati ate ko, parang mas bata pa saken? Anu ba yan!

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon