(Morning bago maganap ang insidente..)
Mika.
---
Nandito ako ngayon sa may Acacia tree sa likod ng school. Buti nalang free cut which means walang klase, yahoo!! Magdiwang tayong lahat! Tara at damayan niyo ako sa kaligayahan ko!
Sarap magpaparty! Biro lang.
Forever alone ang peg ko, as always. Walang basagan ng trip. May mini forest/park kasi dito. Ayos ditong magtambay, magstudy, matulog, atbp. (At ano pa nga ba? May mga nag dedate din dito. Sarap igapos sa puno ng mga happy couples na yan ha at ipakain ng lapastangan sa mga K9. Sadyang allergic lang ako sa pag-ibig, hindi bitter.)
At as usual, missing in action parin ang mga hayop na sina Vlad at Jake. Daig pa ang mga kabute. Susulpot ng pabigla at maglalaho din na parang... Ewan. Basta. Wag kayong mainip ng masyado, darating din yun sila sa eksena. Hintay hintay lang tayo pag may time. Hehehe.
Going back, well taken care of kasi itong mini tambayan slash park kaya't tuwang tuwa naman kami lahat. Sulit ang matrikula! Buti nalang at kokonti lang ang studyante sa paligid... Kailangan ko talaga ng inner peace. Naks.
Kung may curious man kung bakit emote ang peg ko.. ito ay dahil sa F na nareceive ko sa long test namin kanina sa Trigo. Kainis. Malaking part pa naman yun ng grade namin this term.
Nag-aalala ako sa grades ko.. Oh no. Baka hindi ko ma-meet ang expected average ng grades ko para makapass. Paano na lang kung hindi ako makagraduate? Lagot ako nito kay mama at papa. Pati si kuya, baka ma execute niya ang kanyang pamatay na jiu jutsu moves saakin ng wala sa oras.
And to think na Salazar pa naman ako! Nakakahiya. Ayokong maging shame sa family ko pero.. Ugh. Napa gulp ako sa thought na yun.
Maghanap kaya ako ng tutor?...Nakakababa naman ng pride yun.
Napa sigh nalang ako habang humihiga sa damuhan at tumingin sa ulap... Ang ganda. Nakakarelax talaga. Yung tipong feel na feel ko na calm and free as a bird ako. Naks.
Hindi nagtagal ay nafeel kong nagvibrate ang phone ko. Panira ng moment ang kung sino man ang nag text. Tiningnan ko yung message at napairap nalang..
Dahil nag pop-up bigla yung selfie ni Kyo. Ang cute nya!
Mukhang grasshopper. Nakakarindi. Sarap tirisin.
De joke!
From +63923*******
.
Ano yun? Wrong send? At period lang talaga? Galawang bobo. Naturingan pa namang sa A sana.
Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa at nagpatuloy mag daydream habang nakatingala sa malawak na ulap. Hay, ang buhay nga naman ay parang bato. It's hard.
Ilang minuto na rin siguro akong lost in my ocean of thoughts nang mag move ako upang harapin ang right side ko. Nangangawit na rin kasi ang leeg ko kakatingin straight lang.
Paking shet. Speaking of the devil. Ang ganda na view ng kaharap ko ngayon.
Si Kyo... natutulog.
BINABASA MO ANG
Roommate By Accident
FanfictionPaano kung dahil sa katangahan mo ay maging instant roommate mo ang Campus Heartthrob na saksakan naman ng sungit? Makakaya mo bang pakisamahan siya? O pati ikaw ay mahagip sa charms nya? (Started: August 2014)