Chapter 11

5.1K 77 2
                                    

Sam's POV

Nitong mga nakaraang linggo halos kaming dalawa lang ni Jaysel ang magkasama. Naging close kami after ng pagkikita namin sa mall.

Eto nga't exam na namin, nagrereview ako pero wala namang pumapasok dito sa utak ko. Samantalang 'tong si Jaysel relax lang, nagsosoundtrip nanaman. Ano kayang pinapakinggan niya?

Hindi kasi namin napapag-usapan mga hilig niya eh. Bahala na lang daw akong magdiscover.

Kinalabit ko siya.

Jay, nakapagreview ka na ba? tanong ko sa kanya mahina lang ang boses ko baka kasi makaistorbo kami sa mga kaklase naming nagrereview.

Yeah.

Tinatamad na sagot nito. Hindi nagtagal dumating na rin si Ma'am Fernandez.

Inayos na niya ang sitting arrangement namin. Nasa dating pwesto pa rin ako pero si Jaysel pinapunta niya sa harap sa mismong tapat niya. May something talaga sa kanila, magkaano-ano kaya sila. Hmmm.

Hindi naman mahirap ang binigay ni Ma'am na exam, kung sabagay about sa arts lang naman ito.

Ako ang unang natapos kaya lumabas na ako ng room. May dalawa pa akong exam mamayang hapon, tambay muna akong library para makapagreview.

Naglalakad na ako papuntang library nang may humawak sa kamay ko. Nakakagulat dahil biglang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Napatingin ako sa taong nangahas na humawak sa kamay ko, hindi man lang nagpaalam.

Bitiwan ko rin agad ang kamay niya dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Nakakahiya kaya baka mapagkamalan pa kaming may relasyon.

Hindi mo na nga ako hinintay binitiwan mo pa kamay ko. San ka pala pupunta Samantha?

Dismaya hindi, nagtatampong sabi nito. Himala marunong na siyang magtampo ngayon. Dati kasi wala lang, dry lang ganun.

Lihim akong napangiti dahil may bago nanaman akong nadiscover sa kanya. Ang cute niya pala pag nagtatampo. Gusto ko tuloy pisilin magkabilang pisngi niya.

Nakakahiya kaya ang daming estudyanteng nakatingin satin baka kung anong isipin nila. Sa library, magrereview ako.  Sabi ko,  sumagot naman ito agad. 

Nahiya ka pa swerte mo nga nahahawakan mo kamay ko eh. Tss!  Library? Sige, tara..

Ang yabang talaga niya. Nakakaasar. Inirapan ko na lang siya at nauna nang naglakad. Tumawa naman ito ng pagkalakas-lakas.

Napatingin tuloy yung ibang estudyante sa kanya, sa amin pala. Sinamaan ko lang naman ng tingin 'tong katabi ko.

Nandito na kami sa library, nasa may pinakalikod at gilid kami nakapwesto. Guess what? Naka-earphone nanaman 'tong si Jaysel. Tahimik kaming pareho.

Napansin kong may sinusulat siya sa papel saka niya inabot sakin.

Hi Sam! :)

Masyado ka namang nakafocus dyan. Nakalimutan mo na atang kasama mo ako.. :(
Tama na yang pagrereview mo, kain muna tayo. Malapit na magtime oh..  Nagugutom na ako.

-Jaysel

Tumingin ako sa kanya, umarte naman itong nagugutom na. Paawa effect pa. Pwes! Hindi ako nagugutom. Kailan kong magreview, nagreply naman ako sa sulat niya.

Jaysel,

Patapos na 'to. Gutom na rin ako, wait mo ako. Saglit na lang to. hihi Smile ka naman dyan Jaysel. :)

The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon