Chapter 25 - 365th Hi & Goodbye

1.9K 106 27
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang love daw ay parang yosi - bakit pa naimbento kung sakit lang din ang epekto...

Bakit nga ba?

Theory of pleasure & pain?

Metaphors?

Or it's just the nicotine?

Alam naman na natin na sa una lang masaya ang lahat, the early onset of landian. And it ends to being STRANGERS again most of the time... Well para sa mga taong tulad ko, yes it happens all the time.

Puro masasayang umpisa kumbaga.

Kaya ayun, namamanhid ang puso, nahihirapan kang magtiwala, nahihirapan kang sumugal at tumaya muli.

Hindi na matanto ng puso mo kung totoo pa ba yung intensyon o isa lang itong imahinasyon, isang konsepto na mahirap intindihin.

Kung gusto mo ang isang tao, wala ka dapat pag-aalinlangan, may humdlang man gagawin mo parin ang lahat makita niya lang ang intensyon mo. Pero kung di ka naman sigurado, kung bahag ang buntot mo - wag ka nang tumuloy. Nagsasayang ka lang ng panahon, papa-asahin mo lang ang tao sa isang konseptong di mo naman mapanindigan.

Spur of the moment feelings, fleeting crushes, sapiosexual traits. Yung inlove ka sa utak niya at hindi dun sa may utak.

Gaya ng usok mula sa yosi mo - walang hugis, walang patutunguhan, bigla nalang nawawala. Ibig sabihin, hindi totoo at pawang kathang isip lang. Nakukulong ka sa idea na di kayang i-process ng utak mo. Maybe you are just seeking for a brotherly love, a companion, a person who can relate or somebody who can give you a breath of fresh air.

Well hindi kami yun, kasi marupok kami. Kinukulayan namin ang mga bagay na di naman dapat. Kaya kung pwede lang baguhin ang anatomy ko, ayaw kong maging marupok. That "mabilis ma-fall syndrome" should be eliminated from this system.

Bakit ba kasi tayo madaling ma-fall, at sa mga maling pagkakataon pa, sa mga maling panahon at sa mga maling tao.

Yung akala mo siya na yung plot twist mo pero hindi pala.

Yung akala mo siya na...

Akala ko ikaw na....

Mahirap...

But it's part of the cycle.

Pain is always a part of that cycle.

Umasa ka, nag-assume then back to square one. Yung Hi nauuwi lagi sa goodbye or CIAO. What do you expect?

Minsan nga nakakapagod naring maniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig.

Pero paano nalang ang buhay kung sa pag-ibig di mo kayang magtiwala, paano nalang?

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon