Dumating ka sa buhay ko nang'di inaasahan
Nagustuhan mo ako sa 'di
malamang dahilan
Lahat ng gusto mong iparamdam
dinadaan mo sa biruan
Kaya hindi ko inakala na ito'y
isang katotohanan
Akala ko noon ito'y isang
kalokohan ngunit sa 'di
inaasahan ito'y mas lumalim ng
tuluyan
Madalas tayong magkasama,magkausap at minsa'y
nagkakantahan pa
At lahat ng ito ay tila mas
lumalim pa
Isang araw nagtapat ka ng iyong
nararamdaman
Ang sabi mo sa akin ako'y
mahalaga, ngunit bakit 'di ko ito
nadama?
Bakit ipinagtabuyan pa kita?
Hindi ko man lang inisip ang
iyong nadarama
Tama paba na ako'y iyong
mahalin pa?
Ngunit alam kong nasaktan kita
ng sobra
Kaya maaari bang sana ako ay
pagbigyan pa?
Hayaan mong makabawi ako at
masuklian ang pagmamahal mo
Mahirap magmadali, dahil
madalas lagi tayong nagkakamali
Alam kong hindi ito madali
Pero ngayon hihilingin ko na
sana hayaan mo akong mahalin
ka sa paraang alam ko
Upang sa huli tayong dalawa ay
kapwa maging masaya sa piling
ng isa't isa.
————————————————

YOU ARE READING
Second Chance
PoetryI wanted to share it with you guys. Because I believe that everyone will always be deserving to have a second chance when it comes to love and in so many things in life.