COFFEE 6

185 18 7
                                    

Xia.

  Binuksan ko ang napakalaking box na pinadala ni Sir Avi para sa akin. Naglalaman ito ng isusuot ko para sa party bukas. Oo bukas na ang birthday niya. Hindi ko rin alam kung anong ireregalo ko o magreregalo pa ba ako sa kaniya dahil nasa kaniya naman na ang lahat.

Ano pa bang kailangan niya 'di ba?

Jowa sana. Saan naman ako pwedeng maghanap ng matinong jowa kay Sir Avi?

Napahagikhik ako sa naisip ko. Gusto ko na talagang magkaroon ng seryosong relasyon si Sir Avi. Kahit masungit iyon, alam ko namang may tinatagong kabaitan pa rin iyon.

"Wow, ang ganda naman niyan." Sabi ni Pia at lumapit para tignan nang mabuti ang night gown na binigay sa akin ni Sir Avi. Natuto na ako, this time hindi ko na ibabalik ang dress na ito para may pag-gamitan pa ako sa ibang okasyon kaysa naman ipamigay ni Sir Avi sa ibang empleyado.

Kulay blue ang kulay ng gown at napapalibutan ito ng makinang na mga beads. Off-shoulder ito at sa tingin ko ay bagay naman sa kulay ko ang kulay ng gown.

May nakalagay na rin na pares ng sapatos at mga alahas na katerno ng isusuot kong gown. Pinaghandaan talaga ni Sir Avi iyon. May tatak pa itong Alonzo kaya alam kong mamahalin ang gown na ito.

"Pwedeng swap tayo ng work?" Biglang sabi ni Pia . "Ikaw, samahan mo si Sir Xenon sa coffee shop at ako naman ang lalandi kay Sir Avi. Aba, gwapo din ang boss mong iyon. Teka nga, bakit hindi mo pala siya nagustuhan?"

Napairap ako sa pagiging intrigera ni Pia. "Huwag ka ng umasa kay Sir Avi. Isang dakilang babaero ang lalakeng iyon at masasaktan ka lang."

"Haynaku, masarap mag-mahal ang mga lalakeng babaero sa. Kapag nag-seryoso sila sa iyo, naku! Sobrang nakaka-inlove!" Tila nangangarap nitong tugon.

Bumuntong-hininga naman ako at sumagi sa isipan ko si Xenon. Hindi ko talaga gusto ang mga babaero mas gusto ko iyong mga lalakeng stick-to-one.

"Hindi naman ganun ang gusto ko, ang gusto ko ay iyong mabait at mapagkakatiwalaan ko talaga. Ayokong matakot na bigla na lamang mawala ang isang tao sa akin. Iyon ang gusto ko sa lalake, hindi nang-iiwan."

"In short katulad ni Xenon." Irap nitong sabi ko at pabagsak na humiga sa kama ko.

"Si Xenon na talaga." Nakangiting sabi ko at pabirong kinurot ni Pia ang tagiliran ko.

"Maghunos dili ka babaita. Tandaan mo single ang katabi mo."

Natawa ako sa kaniya dahil padabog niyang isinara ang pintuan ng kwarto ko pagkatapos.

Mabilis na sumapit ang kinaumagahan at agad akong nag-ayos ng sarili ko para sa pagpasok.

"Pia, pakibigay naman ito kay Xenon." Abot ko sa paperbag.

"Seryoso ka talaga sa sinabi mo na gagawan mo siya ng lunch everyday?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Sira. Baka naman mag-kasawaan kayo sa sobrang ka-sweetan niyong dalawa."

Sumimangot ako. I don't like the idea na nag-kakasawaan na kaming dalawa ni Xenon.

Kahit na ganun ay inabot pa rin ni Pia ang nasabing paper bag.

"Mag-ayos ka nang mabuti mamaya. Kailangan mong mag-mukhang tao sa party ng boss mo." Paalala pa sa akin ni Pia bago lumabas ng pinto.

May balak naman talaga akong mag-ayos para mamayang gabi. Hiya ko na lang noh. Ayoko namang magmukhang naligaw sa party kahit na ba maganda ang suot ko.

Bandang alas-siete na nang makarating ako sa opisina ko. Nadatnan kong tutok na tutok si Sir Avi sa laptop niya. Wala sa sariling napangiti ako. Workaholic talaga ito. Kahit birthday niya ngayon ay hindi man lang siya nag-abalang mag-day off. Pwede namang asikasuhin ng mga pinsan niya ang kumpanya nila pansamantala.

A Search for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon