Mission 30

2.1K 73 15
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
KED POV

"Sis, anong meryenda ang gusto mo? Manlilibre ako ngayong araw?"tanong ni Adam kay Rylee pero itong isa ay parang wala sa kanyang sarili.

Kanina pa siya tulala at puro tango lang ang ginagawa niya. Napagalitan na nga din siya ni Ms.Maligaya pero wala paring epekto sa kanya. Tumingin lang siya kay ma'am tapos yun, wala na. Hindi na umimik o sumagot man lang kay ma'am.

Ano kaya ang iniisip niya? Si Jace kaya ang iniisip niya ngayon kaya siya tulala? Nakita ko kasi yung ginawa ni Jace kanina eh. Kaya hindi malayong si Jace ang iniisip niya. O ba'ka naman ako ang iniisip niya? Di joke lang! Ayoko pang mamatay ng maaga no? Hindi lang kay Jace ako malalagot kundi pati kay Ace. Tsk!

Minsan naiisip 'kong may gusto si Ace kay Rylee pero 'tong isa naman ay parang wala lang sa kanya. Hmm? Ang manhid siguro ni Rylee? Pero kung manhid si Rylee, paano naman si bossing? Kahit pa hindi aminin ni Jace na may gusto siya kay Rylee, alam 'ko at nararamdaman 'kong may gusto siya. Sus! Sa tinagal-tagal na naming magkasama ni bossing alam na alam ko na ang likaw ng bituka niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya hinahabol si Safhira? Oo, at nagkaroon sila ng relasyon pero noon pa yun. Tsaka si Safhira lang din naman ang gumawa ng dahilan para maghiwalay sila ni bossing eh. Sobrang sama ng loob ko kay Safhira dahil sa ginawa niya sa puso ng bossing ko kaya sobrang natutuwa ako kapag nasasabunutan siya ni Rylee. Dapat yung tipong macocoma na lang yung Safhira na yun para wala ng kontrabida sa pag-iibigan ni Bossing at Rylee. Botong-boto pa naman ako sa kanila.

"Sis, palabok na lang ang binili ko para sayo. Di ka kasi nagsasalita eh."muling wika ni Adam ng makarating siya sa pwesto namin.

Nandito kaming lahat ngayon sa canteen at tulad ng dati ay tatlong lamesa na naman ang naukupahan namin. Yung iba sa magkabilang gilid samantalang ako, si bossing, James-panget, Jennysis, Jess, Adam, at Rylee ay sama-sama sa lamesa na nasa gitna nila.

Tumingin si Rylee kay Adam at ngumiti ng payak.

"Salamat."tanging wika niya at hinalo na niya ang sauce ng pancit.

Napatingin naman ako kay bossing na katabi ko at nakatingin siya kay Rylee na nakakunot ang noo. Sinasabi ko na nga bang may gusto siya kay Rylee eh! Concern ang mukha ni bossing, naks naman! Nagbibinata na talaga siya.

"James, dahan-dahan lang sa pagkain. Hindi ka naman mauubusan eh."wika ni Jennysis sa kanya kaya napasulyap ako sa gawi ni James na katabi naman ni Jace.

Sunod-sunod nga ang pagsubo niya. Kilala ko din ang panget na ito. Tsaka lang siya nagkakaganyan kapag kinakabahan siya. Siguro nakabuntis siya kaya siya kinakabahan ng sobra ngayon? Hahaha! Buti nga sa kanya kung ganun. Para naman magtino na ang isang 'to. Kunwari painosente pa ang mukha niya pero pagdating sa bedscene ay nagiging wild siya. Tsk! Akala siguro nito hindi namin alam ni bossing ang pinaggagawa niya. Tsk! Tsk!

Hinalo ko na lang ang sauce ng spaghetti sa noodles at nagsimula ng kumain. Mamaya pagtapos 'kong kumain ay pagtritripan ko si Rylee. Alam 'kong lutang siya kaya maiisahan ko siya mamaya. WAHAHAHA!

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay biglang tumunog ang cellphone ni bossing kaya kunot noo naman akong napatingin sa kanya. Dahil katabi ko siya at kitang-kita ko kung sino ang nasa screen at si Safhira pala ito. Tsk! Madapa sana yang Safhira na yan at mabagok ang ulo niya kung nasaan man siya. Panira siya ng moment ni bossing at Rylee eh!

Nagtaka ako ng hindi sinagot ni Jace ang cellphone niya bagkus ay sinilent niya ito. Aba! Ang galing ni bossing. Sigurado akong maiinis yung Safhira na yun dahil hindi sinagot ni bossing ang kanyang tawag. Bwahahaha! Hindi ko maimagine ang panget na mukha ni Safhira. Tsk! Kung noon ay ginaganda ko siya, ngayon ay hindi na. Magmula kasi noong makita ko si Rylee na inayos ang sarili niya ay parang tumaas na din ang standard ko sa pagtingin ng magaganda. Kainis nga lang si Rylee dahil mukha mangkukulam kung pumapasok. Kaw ba naman ang kulot ang buhok at nakabuhaghag pa. Tsk! Kulang na lang ay magdala siya ng walas kalaykay at tumawa siya ng hihihihi! Para mangkukulam na talaga. Tsk!

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon