Special Chapter

46 1 23
                                    

#1
Happy New Year

•Narrative•

"Doc Mister. "

Hinarap ako ni Tenecius na abala sa pag-aayos ng mga pagkain namin ngayong Media Noche. "Bakit, Baby Girl? "

"First time nating magcelebrate ng New Year magkasama! "

Iniwan niya ang kanyang gawain at saka lumapit sa akin. Inakbayan niya ako at hinapit papalapit sa kanya. "Mabuti na lang talaga at nagkaroon na ako ng lakas ng loob noong nakaraang taon. Akalain mo nga naman, naging girlfriend kita, tapos pagkaraan ng ilang buwan lang, naging Mrs. Alta Miranda ka na! "

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya habang siya ay nagsasalita. Parang kumikislap ang kanyang mga mata at ramdam ko ang saya sa boses niya. Hay, nakaka-in love lalo!

Nginitian niya ako nang matamis at saka tumingin sa akin. "Happy New Year, Misis. Mahal kita. "

Shems.

I giggled. Hindi ko mapigilin ang kilig at saya na nadarama! Hay, ang sarap sa feeling!

"Happy New Year para sa atin, Doc Mister! Mahal na mahal din kita. " I replied at saka marahang kinurot ang pisngi niya.

Inilayo niya ako ng kaunti sa kanya at hinawakan ang aking magkabilang balikat. Masuyo niya akong tiningnan bago halikan sa noo. "Sa wakas, nagkaroon na ako ng pagkakataon para gawin sa'yo 'to. Naunahan kasi ako no'ng Larrent na 'yon dati, e. "

Napasinghap ako dahil sa aking narinig. Natatandaan ko ang sinabi niya! That was I think... 14 years ago?!

"So nakita mo pala iyon?! " gulat na tanong ko sa kanya.

Tumango siya bilang kasagutan. And then, another realization hit me. Siningkitan ko siya ng mata at tinitigan. "Ah. Kaya siguro hindi mo ako nireplyan noong nagchat ako sa'yo noon! " Tandang-tanda ko na in-inboxzoned niya ako!

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at ang pamumula ng kanyang tenga. "Nagseselos kasi ako no'n, e. Wala naman akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko, kasi hindi ako gumagawa ng paraan para maging malapit sa'yo. "

Halos tumalon ang puso ko mula sa aking rib cage dahil sa aking narinig. Grabe, ang sarap sa ears! Siguro naman hindi pa ako matanda para kiligin, ano? 29 pa lang naman ako!

Ang haba ng hair koooooo! Anong say ni Rapunzel sa'kin?

Niyakap ko nang mahigpit si Tenecius. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking baywang—ang pagganti sa aking yakap.

Pakiramdam ko, sapat na ang sparks sa pagitan naming dalawa at ang lakas ng tibok ng aming puso upang talunin ang Fireworks display sa Plaza.

Masaya akong salubungin ang taon na ito at ang mga susunod pang taon, dahil alam kong makakasama ko si Tenecius Alta Miranda, ang aking Doc Mister, sa lahat ng ito.

Happy New Year, indeed.

Δ•Δ•Δ

Happy New Year, KiTenatics! 😂

Nakakamiss si Kiyarah at Tenecius, so here's a special chapter!

Hopefully this 2019 ay maipublish ko na ang Forever Love Team. Sana, sana, sana! ❤

-DulceSerendipia

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon