♪〉when i wake up to your footsteps
as you get up out of bed۞۞۞
┅┅☻┅┅┅☹┅┅
↻field-full-of-trip"jeongguk! jeongguk!" napalingon ako sa boses ni bam. "muntik mo na makalimutan." sabay abot niya sa monopad ko.
"saan mo nakita? salamat. muntik pa ko mawalan ng cellphone." natawa lang siya.
"doon sa inuupuan natin kanina. buti na lang nga at may nakakita na isinauli pa sakin." napakunot ako sa sinabi niya habang inaayos niya yung bag niya.
"akala ko ikaw nakakuha?" umiling siya tapos tumingin sakin.
"hindi ako nakakita niyan. merong lalaki na nakakita at binalik lang sakin. tara na nga, baka iwanan na tayo ng bus." sabi niya at hinila na ako.
habang umaandar yung bus papunta sa field trip namin, heto yung isip ko lumilipad iniisip kung sino yung nakakita ng monopad saka cellphone ko.
dahil kung ibang tao 'yon at kung alam niyang ako ang nagmamay-ari, hinding-hindi niya na iyon ibabalik sa akin. kaya ngayon iniisip ko kung sino ang taong nakakita na 'yon. hindi naman kilala ni bambam..
tangina sa sobrang sikat namin sa school hindi niya talaga kilala kung baka fan ko yung nakakita o kung sino.
hindi mo talaga maaasahan 'to kahit kailan. tsk.
•
"putanginaaaaaa!" napatakip ako ng tenga kay bambam na sumisigaw pababa nitong rent house.
"ano bang kabaklaan yan, bam?"
"tangina wala pang alas dose bakla ka!"
pinag-iirapan siya nila dokyeom at yugyeom sa sobrang kaingayan. napangisi lang ako. "hindi na kayo nasanay." sabi ko dun sa dalawa.
"yah, buti pa 'to si jeongguk eh!" sabi ni bam at akmang yayakap sakin nang tumago ako sa likod ni mingyu.
"waaaah! may bakla! aaaaaah!-" nagulat ako ng bigla-bigla akong paltokan ni mingyu sa ulo nung pamaypay niya.
"dadating na dito si sir tabloid. baka patulugin tayo nun sa labas, ang iingay niyo mga punyeta kayo!" sabi ni mingyu sa amin.
heto naman kaming apat nagsisihan kaya pinaghahagis kami ng unan ni minggoy habang nag-iikotan kami dito sa sala. hinagisan ko pa ng patay na ipis si dokyeom na ikinatakot niya kaya lalong napuno ng tawanan yung rent house namin.
••
"yes, sir.." bored na sagot naming lima.
kailangan bago mag-nine o'clock ay nasa loob na ng mga rent house. kapag daw wala ay ibabalibag niya lahat ng gamit namin.
hinawakan ni minggoy yung kamay ko at ni yugyeom na tamad na tamad naglalakad at hinila kami.
"tara nga guys! i-enjoy natin 'tong isang linggong field trip natin na magkakasama tayong lima! at malayo sa mga school works." cheerful na sabi niya habang nakangiti sa amin.
nagtakbuhan kami doon sa bilihan nung ice cream. naburyong naman si manong sa kaingayan nila bambam at dokyeom sa pagpili ng flavor na bibilhin nila dahil nagkapareho sila ng pinili kaya pinapalitan nila yung bibilhin na lang nila.