KEVIN's POV
Nakatayo ako sa veranda ng palasyo ng may umagaw ng atensyo ko.
Ate Gail?
Bakit sya nagmamadaling pumuntang kagubatan?
Delikado doon. Madaming nagkalat n mga lobo.
Agad akong pumikit at ilang sandali lang ay nasa tarangkahan na ako ng gubat.
Agad kong sinundan si Ate Gail.
"Gail , yuhoo! Wag kang magpapakita sakin. Papatayin talaga kita!"
Anong sinabi nya?
Gail? Hindi ba sya si Ate Gail?
Patuloy ko syang sinundan. Bigla syang tumigil at tumingin sa braso nya
Nangungulubot ito.
Inilibot nya ang tingin nya at tumigil ito sa isang malaking puno.
Nilapitan nya ito at may babae syang dinampot doon.
Ate Gail? Paano?
Unti unting nagbabago ang mukha ni Ate Gail at napapalitan ito ng bahagya ng mukha ni.....
Lindsy?
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong lapitan sila.
Isa lang ang alam kong ibig sabihin nito.
Niloko kami ni Lindsy.
Ng itinaas nya ang kamay nya ay agad ko itong hinawakan at pigilan sa akmang pagsampal nya.
"Wag mo ng sasaktan ang kapatid ko!"
Malamig kong sabi.
"Kevin?"
Napatingin ako sa babae.
Sya nga. Sya nga si Ate Gail.
Agad kong itinulak si Lindsy at nilapitan si Ate Gail at niyakap.
"Ate!" Umiiyak kong sabi
"Kevin. Salamat. Maraming salamat!" Umiiyak ding sabi ni Ate at mahigpit akong niyakap.Nagulat ako ng bigla akong tumalsik at nabitawan si Ate.
"Hindi ito maaari!" Sigaw ni Lindsy
"Tumigil ka na Lindsy maawa ka na sa akin!" Ate GailTumawa si Lindsy. Unti unti na itong nangungulubot. Agad akong tumayo at pinagalaw ang mga baging at pinalibot kay Lindsy pero agad syang nakawala doon at pinagalaw ang puno at sinakal ng sanga si Ate Gail.
"Lindsy bitawan mo si Ate!"
"Makinig ka Kevin. May tatlong bagay lang naman akong gusto para maging tahimik ang lahat!"Tahimik ang lahat?
"Una, gusto kong kalimutan mo si Isha!"
Ano?
"Hindi! Hindi ko gagawin iyon?!"
Nagkibit balikat sya at bahagyang kinuyom ang palad dahilan ng paghigpit ng pagsakal kay Ate Gail ng sanga ng puno.
Agad akong pumikit at nagpadala ng mensahe sa palasyo
"Bitawan mo sya Lindsy ano ba?"
"Pangalawa ang... Trono, Kevin. Gusto ko ang trono!"
"Lalong hindi maaari, Lindsy. Tigilan mo na ang kahibangan mo!"
Ikinumpas nya ang isa nyang kamay at maya maya ay lumabas ang mga dambuhalang lobo galing sa ilalim ng lupa.
"Kevin... Kevin... Kevin... Sinple lang ang ikatlong gusto ko!" Ngumisi sya at lumapit saakin.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)
FantasíaCOMPLETED (04/22/2019) BC by: Moon New BC by: @trshrn Aleisha is an adopted child. She never ask or no one ever told where she come from. Kevin is a prince of the kingdom of Cold Nature and Ice. AND one more thing he is not a HUMAN he is a SPIRIT. ...