CHAPTER 3

131 2 0
                                    

3-

-Kathryn's POV-

the next day pumasok na ako sa klase. kahit medyo alam kong hindi pa ako okay pero pinilit ko paring pumasok. ayoko namang masira ang pag-aaral ko dahil sa kanya. pero sana lang di kami magkita ngayon dito sa school, baka kasi umiyak na naman ako..

11am pa yung klase ko sa first subject ko pero 9am palang andito na ako....ma bo-bore lang din naman ako sa bahay eh....

andito na ako sa tapat gate ng school namin, papasok na sana ako ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ni...

"ENRIQUE !  here...."

Enrique? paglingon ko nakita ko yung babaeng tumatawag sa kanya, kinabahan ako nang marinig ko ang pangalan niya kaya nagtago ako sa likod ng isang kotseng nakapark sa labas at sinilip ko ulit yung babae kanina. at......at.......

saktong pagsilip ko nakita ko silang dalawang nag...naghahalikan....

parang may sumaksak sa puso ko pagkakita ko sa kanilang dalawa...tumulo na naman mga luha ko.....ang sakit eh...totoo nga yung sinabi ni Ella kahapon, siguro pinagpalit niya ako...at ito na nga ang sagot, pinagpalit niya nga ako...bakit pa kasi eh, ok na sana ako kanina..bakit ko pa sila nakita ngayon??

Hindi ko na sila sinilip pa, mas lalo lang akong maiiyak pag ginawa ko yun at baka di na naman ako makapasok sa kakaiyak ko... nagstay muna ako ng ilang minutes dun sa likod ng car.....hanggang sa pagsilip ko ulit nakita kong wala na sila...pumasok na ako sa gate pero dumiretso muna ako sa garden ng school, since malayo pa naman din mag 11:00.

umupo lang ako dito sa bermuda grass, sinubsob ko yung mukha ko sa tuhod ko habang yakap ko yung mga tuhod ko, as usual, umiiyak na naman ako...mabuti nalang hindi masyadong pinupuntahan pag umaga tung garden ng school.....ang hirap kasing pigilan ang pag-iyak eh... bumabalik kasi sa ispi ko yung nakita ko kanina, siya pala.....siya pala ang babaeng ipinalit sakin ni Enrique.....eh ang ganda naman niya talaga, ang puti puti pa....bagay na bagay sila ni Enrique....

tumulo na naman yung mga luha ko ng biglang may narinig akong kumakanta.....pero bakit parang ang lapit lapit lang sakin nung kumakanta?

"Umiiyak ka na naman mahal .... Lagi na lang ika’y nasasaktan

Sabi niya Di ka iiwanan

Ikaw ay nabigo ......Kayo’y nagkalayo"

lalaki na naka shades? nakaupo din siya medyo malapit sakin...teka wala naman akong nakitang ibang tao kanina dito ah ? at wala rin akong nakitang lumapit kanina... patuloy parin siyang kumakanta habang nakatingin sa malayo .... may topak ba to ?

"Ako’y nahihirapan Pag ika’y nasasaktan

Kung pwede lang naman.................." bigla siyang tumingin sakin at ibinaba ng kunti ang shades niya... nakakunot lang yung noo ko habang tinitingnan din siya...

".........Sa akin ka nalang" ha ? anong trip nang taong to ?

"WALA KA BANG MAGAWA SA BUHAY MO ?????" tumayo ako at sinigawan siya.

"Susss.. sungit naman nito......" inayos niya yung buhok niya sa may noo niya "hiniwalayan lang ghfdjkuykigfddfhg thjyjyjuy" sabay iwas tingin.. di ko masyadong narinig yung huling mga sinabi niya kasi binubulong niya lang pero sabi niya hiniwalayan...teka alam ba niya?

"HOY ! sinong hiniwalayan ? ha ?" ako habang naka cross arms...bigla naman siyang tumayo sa pagkakaupo at nagkamot nang ulo..

" teka , masama bang kumanta?" sabi nung lalaki habang naka pout. OA ?

"Anong sabi mo kaninang hiniwalayan ? ha ?"

"ha ? ah ano ... sabi ko hiniwalayan ka siguro ng boyfriend mo....umiiyak ka kasi.......kahapon pa" biglang sumeryoso yung mukha niya.

teka? pano niya nalaman na umiiyak ako ? stalker ba siya ? tinaasan ko siya nang kilay...

"pano mo nalamang umiiyak ako kahapon ha ? sta-----------" di ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita...

" Hay ! naku naman. paborito ko pa namang panyo yun." sabi niya sabay sipa dun sa maliit na bato habang ipinamulsa niya yung mga kamay niya.

teka...panyo ? siya ba yung....

" ikaw yung nagbigay nung panyo sakin kahapon ?"

bpero imbis na sumagot lumapit siya sakin as in sobrang lapit, napapaatras na nga ako ng kunti..ibinaba niya ulit yung shades niya..

"Yes, Kathryn Robles" at nagwink siya sakin ...

"b-bakit mo alam name ko?" umatras ulit ako kasi ang lapit parin niya sakin....

nagsmirk siya. " ayan oh, sa ID mo hehe" sabay turo niya sa ID ko gamit yung nguso niya... oo nga pala nakaharap yung ID ko. ang tanga ko din....

lumayo na siya ng kunti sakin...hooooo buti naman....pero nakasmile parin siya...

"aah yung...yung panyo mo bukas... cge una na ako.."

naglalakad na ako paalis pero bigla siyang nagsalita..nilingon ko siya...

"sayo na muna yun....alam kong mas kailangan mo yun" nagsmile nalang ako sa kanya at tumalikod na ulit pero nagsalita ulit siya..

"teka" lumingon ulit ako... " Daniel pala, Friends na tayo ha !" nagsmile siya tapos tumalikod na din at umalis....

tinitingnan ko siya habang naglalakad.....Daniel pala pangalan niya..akala ko DJ ? eh kasi yun yung nakalagay sa panyo eh... ah baka initials niya lang yung DJ.... whatever, malapit na yung klase ko.....makaalis na nga rin....

READY TO LOVE AGAIN [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon