" Wait lang ate may ipapakita ako. Kuyaaa! Paheram ng phone mo."
Wow! Magkasundo na kagad sila! Sweet naman.
(In the video)
"Odette tabi tayo matulog"-Josh
"Pfffft...pffft"-Ciel
"Ano ba yaaaan... dali na Odeeeette."-Josh
"Yehey! Tabi na kami ng asawa ko!"-Josh
"Hihihihi!"-Ciel
"Gusto mo na ng baby? Hehehe."-Josh
"Ilan ba gusto mo?"-Josh
"Ano? Umpisahan na nati--"-Josh
(Cutting of video)
A-anoooo!? Pa-pati sa panaginip niya nandon ako!?
"Cieeeeeel!" sigaw ni Josh
Tumakbo si Ciel sa sobrang takot kay Josh. Si Josh naman, sa sobrang galit ay hinabol si Ciel habang umuusok ang tenga at ilong.
"Patay ka saking bata kaaaaa!" sigaw ni Josh.
"Waaaaaah! Sorry *sob* na kuyaaa!" pagmamakaawa ni Ciel.
Patuloy parin nag hahabulan sila samantalang si Odette ay pinoprocess ang nakita niyang video.
Processing...
Processing...
Processing...
Processing...
Pambihira si Joooosh! B-bakit niya a-ako pinapanaginipan!? Waaaaah!? Nakakahiyaaaaa! Wait! Si Ciel!
Pinagmasdan ni Odette ang dalawa habang nag hahabulan sa sala at kusina. Papunta si Ciel kay Odette.
"Ate Odette! Waaaaah! *sob sob*" tawag ni Ciel.
"Halika dito daliii!"
Yumakap si Ciel kay Odette habang nanginginig at umiiyak sa sobrang takot.
"Oh tahan na Ciel, tahan na."
"A-Ate *sob* Odette. Ayo-ko mapalo ni kuya *sob*"
"Oo hindi ka niya papaluin. Diba kuya Josh? Promise mo?"
"O-oo. Promise ko."
"*sob sob* ta-talaga?"
"Oo nga."
"Oh okay daw sabi ni kuya, tahan na ha? Gawa na tayo ng cake?"
Tumango nalang si Ciel. Habang gumagawa sila ng cake ay umiiwas si Ciel kay Josh dahil natatakot parin siya.
"Tapos na yung cake!"
"Yehey! Kainin na natin ate Odette!"
"No. Ibabaon ninyo yan. Yung isa kong binake ang kakainin natin. Okay lang ba?"
"Opo!"
"Osige, set ka na ng table. Kakausapin ko lang si kuya Josh mo."
"Opo!"

BINABASA MO ANG
You and Me Best friends Forever
Ficțiune adolescențiPlease read my story!! :D pafollow na din po, follow ko din po kayo ASAP :D ^_^