Shetttt bakit Kailangan ko pa siya makita dito
Sa daming university na pwedeng pasukan dito pa siya pumasok. Kung siguro patay na patay pako sakanya aakalain ko pang Destiny eto eh
Kaso Hindi. Putek ano gagawin ko para Di niya ko makita. Andaming tumatakbo sa isip ko habang nagtatago Kay Arthur. Di niyo natatanong si Arthur ay isa kong EX yeah ex, ex-crush kasi di niya naman ako binigyan nang pagkakataon para i-prove yung feelings ko sakanya. Hayss pag naaalala ko yun natatawa nalang ako hahaha pano kasi nung Grade 11 ako nag confess ako sakanya about sa feeling ko
Pero guess what? Ayun pinahiya niya lang ako sa classroom. Sumigaw siya nun sa classroom at sinabi niyang nagconfess ako ng feelings sakanya then nagtawanan mga kaklase ko, Hindi naman kasi ako kagandahan e. Morena kasi ako nakakalungkot Lang isipin na sa panahon ngayon pag Morena ka or maitim kung tawagin nila ay pangit na. Di nila alam Black is beauty eka nga hahaha
Pero di kasi talaga ako palaayos pag nasa school ako diko din alam kung bakit, pero pag nasa bahay naman ako or gagala nag-aayos naman ako kaya nga minsan nagtataka yung classmate/bff ko na si Sheena na maganda naman daw ako do lang talaga nag-aayos hehe.
So back to the story yun nga na-reject ko tas andami ko pang natanggap na harsh word sa mga kaklase ko at sakanya, eh Buti nalang mag babakasyon na nun so I decided na lumipat nalang ng school sa grade 12 kaya nawalan nadin ako ng balita sakanya.
Hays di pwedeng habang buhay akong magtatago act normal lang Kianna
First day mo ngayon sa college wag mo sirain mood mo, act normal lang. Naka move on kana so take a deep breath *inhale exhale*
Umalis na nga sa pinagtataguan ko and *Ouch* ansakit nun ah
May tumama lang namang Bola sakin ang that is the time when I caught his attention.
Arthur.