DESTINY IS FOR REAL

50 1 1
                                    

Prologue:

            Hi :) Sa unang dalawang story na sinulat ko hindi ko na sila naupdate nawala kasi yung notebook ko kung saan nakasulat yung dalawa. Ngayon may bago nanaman akong sinusulat pero ngayon sisiguraduhin ko na matatapos ko na itong story na ‘to kaya sana suportahan niyo ako :) nga pala sabi nila nakatatamad daw basahin yung story kapag yung prologue tagalog :( Pero sana huwag natin pansinin kung English or tagalog, dapat na pansinin natin  yung content :) so ayon sana magustuhan niyo ito kahit baguhan palang ako sa pagsusulat :) I hope you enjoy it.

            Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang masaktan sabi nga nila huwag kang iibig kung takot kang masaktan. Minsan dahil sa pag-ibig hindi na natin napapansin ang mga nasa paligid natin, nakukulong tayo sa kung anong relasyon mayroon tayo parang nasa kulungan ba ganun pero yung pakiramdam nasa langit. Hindi rin maiiwasan na kapag nasaktan tayo kamumuhian na natin ang mga babae kung lalaki ka at kamumuhian mo ang lalaki kung babae ka naman. Mayroon ding mga pagkakataon na kapag ang isang tao ay nasaktan ninanais mo nalang na maghiganti, hindi magseryoso at manloko ng ibang tao. Ano kaya ang mangyayari kung magkatagpo ang isang babaeng nasaktan dati at naghihiganti ngayon sa mga lalaki at sa isang lalaking nasaktan din dati at naghihiganti ngayon sa mga babae? Parang ang hirap mangyari diba? Pero dito mapatutunayan na DESTINY IS FOR REAL.

CHAPTER 1:

            Ganda ng babaeng katabi ko ah, madiskartihan nga pwedeng idagdag to sa mga biktima. Hahahaha di makakatanggi to sa kagwapuhan ko. “Hi miss :) ganda mo naman :)”. “Hello kuya gwapo :)” hay naku sabi na nga ba nagwagwapuhan sa akin to e. haha yari ka saken, huwag mo akong tawaging kuya dapat baby itawag mo :D, makuha nga number nito. “miss maganda pwede ko bang kunin cellphone number mo? :) kung pwede lang at kung wala pang nagmamay-ari jan sa katawan mo, este sa puso mo pala :) mayroon na ba :)? “haha loko ka kuya ah (hinawakan ang labi ng lalaki gamit ang hintuturo) pilyo ka ah :) eto card ko” aba’y matindi! :D iba itong si ate ah, may thrill haha mukhang mag-eenjoy ako dito. “miss maganda ano nga? May boyfriend kanaba?”. “just text me or call me baby boy! I have to go :) babyee (flying kiss) :*” nice. Ganito yung mga tipo ko, pagkatapos binigay ang number umalis tapos flying kiss pa gusto hahahaha mahahalikan din kita ng totoo chix :) solve na naman yung gabi ko :)))))

 (Author’s POV)

            Yan si Isaac Mathew R. So, 18 years old, gwapo, matangkad, malaki katawan, nag-iisang anak, at syempre BABAERO! :D loko-loko yan e :3 huwag niyo akong susumbong sa kanya ah? Haha maraming babae yan, madalas pa ngang mapaaway yan dahil sa mga babae at madalas din syang nagiging dahilan kung bakit nag-aaway ang mga babae! :D may Makita nga lang maganda yan hindi na sya mapakali agad-agad didiskarti yan :) (end)

            “sir!late na naman kayo! Magagalit nanaman ang daddy niyo nyan sainyo! Pati ako patay nito sa daddy mo! Ihhh sir Isaac!” ito talagang si mama leni masyadong exag. Aga ko ngang umuwi e -_- magtutwo palang ohh. “ako po bahala sa inyo bukas mama leni, huwag na kayong mataranta jan. papasok na po ako sa kwarto ko, inaantok na po ako e.” “mag-ingat po kayo sa pag-akyat sa hagdan, huwag kayong gumawa ng ingay at baka magising po ang daddy niyo lagot tayo! Alam niyo namang monster daddy mo kapag nagising sa pagkakatulog” hay mama leni talaga lagi nalang natataranta. “opo mama leni eto na nga ohhh nasa tapat na ako ng kwarto bago niyo nasabi yan. Matutulog napo ako. Matulog na rin kayo mama leni bakit ka pa kasi nagpupuyat may susi naman ako. Pero salamat po mama leni. Goodnight po.” Buti nalang ganito kaalaga at kabait si mama leni :) makatulog na nga.

KINABUKASAN…………

            “Isaac ano ba?! Lagi nalang bang ganito?! Tignan mo sarili mo bangag ka na naman! Hindi mo ba alam na nag-aalala ako sayo?! Halos gabi-gabi nalang gumigimik ka! Paano kapag may nangyaring masama sayo?! Paano na ako?! Ah? Anak?! Matuto ka naman anak!” sweet ng daddy ko no? :p mainggit kayo please. Lol. Swerte ko talaga at sya daddy ko :D. “easy dad! :) masyado kayong mainitin :) aga-aga ohh. Tignan mo yung araw ang ganda woo huwag niyong hayaang sirain ang araw niyo :D sayang kagwapuhan natin wo, easy lang baka tumaas highblood niyo nyan dad :) sige kayo!” lalapitan ko nga at yayakapin siya para di na ako pagsabihan at para makahingi ng panggimik mamaya. Hahahaha “ikaw talagang bata ka alam mo kung papaano mo paaamuhin ang daddy mo”. “sabi na sayo mama leni akong bahala dito sa daddy ko :)”. “pakisabi po kay rey ihanda na nya yung sasakyan papasok na po ako sa trabaho”. “sige po sir”. Hala aalis na si daddy kailangan ko ng humingi ng pera baka makatakas pa tong daddy ko. “dad penge naman jan kahit magkano lang naubos kasi pera ko kagabi e. please? (paawa effect)”. “ oh eto na ikaw talaga. Sabi na nga ba may ibig sabihin yung mga payakap yakap mo e. nga pala anak mamaya wala munang gigimik no? samahan moko dito sa bahay gusto kitang makasabay kumaen miss na kasi kitang subuan anak.” Ayy subuan daw ginawa talaga akong bata -___- paktay naman wo! Walang gimik mamaya :( nagdrama si general e. huhuhu T.T kailangan pagbigyan. “osige po dad”. “osya alis na ako, bilisan mo sa pagkain jan pasok kana sa school.” “opo dad. Bye. Ingat po :)” teka may naalala pala ako, di ko pa natext si miss ganda. Matext nga ng goodmorning.

Destiny is for realTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon