Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko at gaya ng nakasanayan yakap yakap ko pa din ang litrato ni Mark hanggang pag gising ko..."Magandang umaga, Mark" bulong ko at lalung hinigpitan ang pagkakayakap ko sa litrato. Pungas pungas akong umupo sa kama at ng mapatingin ako sa orasan...
O___O!!!!!
Alas'ciete na???? Ano ba yan! wala man lang gumising saakin! napakamot ako ng ulo ko...bumangon ako pumunta ko kaagad sa karinderya nila Tita Ellyn hmmm
"Gising ka na pala! akala ko hindi ka na gigising! kanina pa kaya kita ginigising!" bungad niya agad saakin hmm hindi ko naramdaman na ginigising niya ko.
"Pasensiya na po...tama ba talaga yung wall clock sa kwarto?" usisa ko.
"Oo, papasok ka ba? kung hindi tulungan mo nalang ako...." hindi ko na pinatapos si Tita Ellyn sa pananalita niya ayoko yatang magserbidora sa karinderya niya hindi niya naman ako pinapasahod!
Isa pa bayad na yung napanakaw ko sobra sobra nga bakit ko nga ba binigay yung buong dolyar na tip ni Kumag! ^__^"May pasok po ako sige alis na ko malalate na po ako eh" karipas ko ng takbo haha! kaagad akong naligo at nag ayos...hmm may barya pa ko ano kayang magandang almusalin? palagi naman walang makakain sa bahay..Nga pala bakit hindi man ako dinaanan ni Jeo? mukang mala-late pa ko neto!
Nagmamadali na ko...kumain na lang ako ng balot sa may kanto sakto mainit init pa hahah! binilisan ko ang lakad ko...nag underpass pa ko nagkakanda tapid pa ko sa hagdanan hays! walang nakakakita! yun ang isipin mo Setong! badshot ang sakit!!! na spring ba ang paa ko?? teka napulikat hindi ako makatayo kalma lang kalama lang Setong!!! napigtal yung sandals ko!! malayo layo pa naman ang lalakadin ko! kainis malas talaga! bakit kasi ang clumsey ko!
O___O!!!!
Nagulat nalang ako ng biglang may isang lalaking binuhat ako at pinasan sa likudan niya!!!!
"K-Khyle?????"
"Kapit ka lang"
"Mabigat ako!!! ibaba mo nalang ako bibili nalang ako..."
"Kargador nga ko hindi ba? kayang kaya kita" pinutol niya kaagad ang sasabihin ko...hmm grabeh toh! napaka bigat ko kaya!
"Salamat..." Ang taong to...para siyang si Mark parehang pareha sila...sino ka ba talaga Khyle?bakit naaalala ko si Mark sayu???
FLASH BACKS
Madalas bully ako sa school may mga kabigan naman ako pero bully din kasi sila kaya nga tropa at samahan ng mga bully ang tawag saamin..P.E. class namin nun binato lang naman ako ng bola ng volleyball sa ulo grabeh pinagtawanan kaya ako! sa sobrang hiya ko nagtatakbo ako at dahil clumsey nga nadapa ako ng bongga at napulikat again and again...
May isang lalaking lumuhod sa harapan ko at kinuha ang dalawang kamay ko upang ipasan ako sa likudan niya hmm sino kaya toh ang bango bango niya naman ang sarap sarap amoy amoyin...
"Sa susunod pag aralan mo kung paano mag ingat!!" bigla niya kong binagsak sa may pintuan ng clinik.
"A-aray! Pwede naman akong ibaba ng dahan dahan hindi ba? hmm teka hindi ba ikaw yung..." tama naalala ko na! siya yung nantrip saakin ng matapilok ako sa hagdanan nung nakraan!
"Lampa ka pala talaga noh!" ang laki ng ngiti ng mokong na toh!
"Nang aasar ka ba?"
"Kung patuloy kang tatakbo hindi ka nila titigilan kailangan matuto kang harapin sila hindi lahat pwede mong takasan." kumatok siya sa pinto ng clinik at umalis.
"Ah..teka wag mo kong iwan dito!"
"Celestine anong ngyari sayo?" lumabas yung nurse sa clinik.
"Ah...eh...na pulikat po ako nadapa eh...nagkabukol pa kasi natamaan po ng bola yung noo ko" nagpunas ako ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Teen FictionNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...