Sa iyong gawa ako ay humahanga
Mga larawan mong may taglay na ganda
Mga tula mong nakakapagpabilib madla
Mga drawing mong tunay na kahanga hanga.Sa bawat bigkas mo sa letra
Kami'y napapanganga
Sa bawat guhit mo sa papel
Talagang inaabangan namin
Bawat ideya mo na nagbibigay inspirasyon samin.Bilib ako sayo, saludo pa nga ako
Sa likha mong tiningala ko
Para kang tala sa kislap mo
Ako'y nasilaw na ng todo.Ngunit sigurado ba ako sa mga gawa mo?
Hindi mo ba kami nililinlang ng todo?
Nagsasabi ka ba ng totoo?
O baka naman lahat ng yan ay kodigo?