22 - Overprotected

5.1K 422 45
                                    

Playful Love 22

Father Jesu smiled at Eco when he stood, facing the old priest. Para na rin niya itong ama dati pa kaya hindi siya naalangan sa lalaki.

"Shall I even wonder who kissed that young lady?" napangiti ito kaya nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Tapik sa balikat at iling ang isinagot ni Jesu sa kanya. "My son, my playboy son."

He chuckled with that remark. Hindi naman niya iyon itinatanggi pero seryoso siya sa interes niya kay Kisses.

"Can I pass today's mass, father Jesu? She's a bit..." he can't say mad. Mukhang hindi naman galit si Kisses pero mukhang naguguluhan lang. "Confused and she doesn't want to ride my car. Susundan ko lang sana, to make sure that she'll be safe." paalam niya rito.

Tumabi ito sa pasilyo at inilahad ang braso papalabas. "The permission is yours, iho. Sa Linggo ka na lang magsimba sa anniversary ng Mamá at Papá mo. Magtataka pa ba ako ay isa kang de la Cueva, kapatid ng asawa ng Maria Crisanta ko kaya alam ko ang karakas mo sa babae."

Napahalakhak ulit siya saka nagmano sa pari bago umalis. May utang na naman siyang misa sa mga anak-anakan niya pero maiintindihan naman ng mga iyon ang ginagawa niya.

Paglabas ng binata sa sanctuary ay natanaw niya si Kisses na papasakay na sa Jeep kaya agad naman siyang sumakay sa kotse niya.

Tsk! She has a hard head.

Mukhang totoong mahirap na pasunurin ang dalaga kaya siya ang bubuntot doon katulad noong una nang-i-reject ang alok niyang paghatid dito sa eskwelahan. May ilang sasakyan ang nasa pagitan ng kotse niya at ng jeep na sinasakyan ni Kisses kaya hindi niya matanaw ang dalaga. Ang ginawa niya ay pinilit niyang makapag-overtake para lang sa huli ay madismaya.

He noticed a silhouette of a woman, standing in the middled of the vehicle. Nangunot ang noo ni Eco at pinakamasdan ang bulto sa gitna ng mga kalalakihang nakasabit sa may pinto ng sasakyan.

Is that my Kisses?

Lalo niyang idinikit ang unahan ng kotse sa may pwet ng jeepney at nang may pumara ay tumigil din siya. Bumaba ang isang lalaki nakasabit kaya lumuwang ang pintuan ng pampasaherong sasakyan.

"Putang ina!" napamura siya nang makumpirma na si Kisses nga ang naka-squat sa may bandang gitna.

Anong tanga na hindi na lang nag-taxi?

Gigil na hinampas niya ang busina kaya naagaw niya ang atensyon ng dalaga. Her brows tied in a knot when she noticed his car.

Umandar iyon ulit kaya sumunod na naman siya at walang tigil na binusinahan ang sasakyan. He'll make her hop out of that vehicle and force her to ride in his car.

"Jesus, heaven's sake! What the fuck has gotten into your..." hinampas niya ang manibela. "Your young fucking head?!"

Diniinan niya ang busina at hindi niya binitiwan hanggang sa parang naalarma na ang mga sakay niyon. Maya-maya pa ay tumabi na ang jeep kaya tumabi rin siya saka bumaba.

He's mad, no, he's pretending mad. Pinasungit niya ang mukha at diretsong tiningnan ang dalaga habang nakapameywang.

"Baba!" he snapped.

Kumurap si Kisses at umawang ang mga labi pero maya-maya ay tumapang din ang mukha.

Holy hell. Not now, sweetie. Huwag sana nitong patulan ang kunwaring galit niyang hitsura. He just wants to scare her a bit but looks like she's ready to fight with him.

"Alis!" she snapped back almost breaking his defenses but he gathered himself and stands with his acting.

"Anong alis? Baba!" ulit niya. "Try me, baby. Irereklamo ko ang driver nito ng overloading at sinisiguro kong maaabala ang lahat ng taong nakasakay dito. Baba!" idinuro niya ang kalsada pababa kaya napalinga ang dalaga.

My Playful Love✔️(Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon