(Monica's Pov)
(Hayzzz buti na lang nawala na yung inis ko doon sa pastor na yun. Akala naman niya kung sino siya. Hayzz kapag naalala ko yung Emman na yun naiinis ako eh. Pare pareho sila ni Noah. Hayzz kainis.)
(At dahil nagutom ako, kumain muna ako sa karinderya hanggang sa may tumakpan sa mata ko.)
Monica: Uyy ano ba!! Uyy sira uloo ka ba?!!!
(Tumayo ako at nakita ko kung sino yung mokong na tumakip ng mata ko. Hanggang sa nakita na si............ si................)
Monica: Ethan??
Ethan: Hi Gorgeous! Namiss mo ba ako?? (Sabay kindat)
Monica: Uyy ikaw pala.....
Ethan: Mukhang bad trip ka ah....Sama ka sa akin........
Monica: San tayo pupunta Ethan??
Ethan: Bakit kapag ikaw inaaya parang laging natatakot??
Monica: Hindi naman ako natatakot e. Gusto ko lang makisigurado kung ligtas ba ang pupuntahan natin....
Ethan: O edi natatakot ka nga hahaha! Halika sama ka sa akin...........
(Hinawak ni Ethan yung kamay ko at hinatak niya ako.)
(Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta)
Monica: Ethan saan ba tayo pupunta??
Ethan: Basta mageenjoy ka??
*Insert Background Music*
(Grabeeee alam niyo kung saan niya ako dinala?? Dinala niya ako sa Ilog kung saan ay tawag na "Ilog Canal" grabeeee ang gandaaa ng lugar!! Para akong napunta sa ibang mundo)
Monica: Anong lugar ito??!!
Ethan: Ang tawag dito ay "Ilog Canal".
Monica: Bakit ngayon ko lang nakita ito??
Ethan: Masyado ka kasing galit sa mundo. Hindi mo alam may mga ganito palang lugar dito sa Batangas.
(Lumapit ako sa mga tubig. Grabeee ang linis at ang sarap sa pakiramdam! Para akong nasa langit!!)
(Unti unti akong lumulublob sa tubig at binasa ang sarili ko doon.)
Ethan: Ano ba yan?? Ganyan mo ba basain yung sarili mo??
(Lumapit si Ethan sa ilog at binasa ako ng basang basa.)
Ethan: O yan!!
Monica: Ethaan!! Ganon ah!! Sige gaganti ako! Hahahhaha
(Ngayon lang ako naging kasaya ng ganito. Nagbasaan kami ni Ethan sa ilog at halos napunta na kami sa kilitian at yakapan)
Monica: Ethaaaaaan!!
Ethan: Ano?? Ano ka ngayon ah! HAHAHAHAHA
(Hindi ko muna inisip ang mundo. Inisip ko muna ang oras na kasama ko si Ethan. Kahit sandali lang, naging masaya ako sa piling niya. Pakiramdam ko na kami lang ni Ethan ang tao sa mundo! Hindi ko makakalimutan ang oras na ito.)
(Hanggang sa................)
(Nagkatitigan kami...)
Ethan: Monica...
(Hinawakan ni Ethan ang mukha ko at halos nagtitigan kaming dalawa.)
(Nilalapit niya ang sarili niya sa akin hanggang sa.......)
(Binigyan niya ako ng smack kiss.)
Monica: Ethan hmmmmm
(Hanggang sa nilalapit niya ulit ang sarili niya sa akin. Pero sa ganitong pagkakataon iniwas ko na ang labi ko sa kanya.)
Ethan: May problema ba?? Hindi ka ba nasiyahan sa halik ko.
Monica: Hindi pa ako handa Ethan
Ethan: Bakit?? Ayaw mo ba sa akin??
Monica: Hindi............. Hindi ko pa kaya magcommit ulit. Kakagaling ko lang sa breakup eh.
Ethan: Ayaw mo ba sa akin??
Monica: Hindi naman sa ayaw Ethan pero.................
Ethan: It's okay. I understand Monica.
(Umahon si Ethan sa pool tapos ako naguilty dahil hindi ako pumayag na magpahalik sa kanya.)
Monica: Uyy okay ka lang talaga??
Ethan: Oo. Okay lang talaga ako hahaha wag mo na isipin yun.
(Biglang nag-ring ang phone ko at nakita ko na si Noah ang natawag.)
Ethan: Akala ko ba wala na kayong kominukasyon niyan.
Monica: Wala na nga,
Ethan: Eh bakit tawag pa yan ng tawag sayo.
Monica: Hayaan mo na! Di ko rin naman sinasagot ito eh.
Ethan: Mabuti naman kung ganun.
(Bigla kong naisip yung sinabi nung Pastor Emman tungkol sa Diyos.)
Monica: Ethan! May tatanong lang sana ako sayo,\
Ethan: Sure sige ano yun?
Monica: Naniniwala ka ba sa Diyos?
Ethan: Bakit mo naman natanong yan?? Bakit?? Hindi ka ba naniniwala??
Monica: Naniniwala pero galit ako sa Kanya!!
Ethan: Hahahha bakit mo nasabi???
Monica: Kasi kung ang Diyos daw ang author ng buhay natin. Bakit ganito ang setting ng buhay ko?? Bakit walang taong nagmamahal sa akin?? Anong klaseng Diyos yung hinahayaan Niyang masaktan tayo!
Ethan: Parehas pala tayo ng paniniwala eh.
Monica: Ha???
Ethan: Nang dahil sa Kanya nagkasakit ang mommy ko at namatay, nagsuicide ang daddy ko dahil sa depression. Kaya parehas lang tayo ng kinatatayuan ngayon Monica.
(Di ko ineexpect na yan din ang sasabihin nila sa akin. Most people are always telling me to believe in God blah blah blah! Pero nakahanap talaga ako ng totoong iintindi sa akin! Si Ethan talaga eh!)
Ethan: Naiintindihan kita Monica! Parehas lang din tayo ng pinagdaanan.
Monica: Paano ba mawawala yung sakit?
Ethan:......................................
Monica: Paano ba mawawala yung sakit ng nararamdaman natin ngayon?? Paano natin matatanggap na ganito lang ang buhay natin at wala nang pag-asa. Gusto ko nang mamatay Ethan!!
Ethan: Huwag mong kakalimutan ang sinabi ko sayo Monica, ang mga patay...........gagawin ang lahat...............para mabuhay muli. Kaya maswerte ka!
(Buti na lang nakahanap na ako ng taong iintindi sa akin. Hindi tulad ng iba diyan na kung ano ano na lang ang sinasabi sa mga bagay bagay.)
(END OF CHAPTER 8)
YOU ARE READING
Where Are You
Mistério / Suspense"Nawawala ako! Hindi ko alam kung nasaan ako?? Bakit ba ako nandito?? Ano ba yung purpose ko kung bakit ako pinanganak! Sino ba ako?? Yan ang mga tanong ng mga suicidal na katulad ko! Wala na akong kwenta sa mundo! Walang nagmamahal sa akin! Papano...