"KAYA PA"
Kaya Pa
Dalawang salita
Na binitawan
Na pilit paninindiganPero habang lumilipas
Ang oras,minuto
At segundo
Parang lumalaboKaya ko pa nga ba?
Na magtiis
Na tingnan ka sa malayo
Na mahalin ka kahit walang kapalitKaya Pa
Kakayanin ko pa
Kaya ko pa na magtiis
Kaya ko pa na tingnan ka kahit sa malayo
Kaya ko pa na mahalin kaPero mahal ang puso ay napapagod
Yung ilang taon
Buwan,linggo,araw
Oras,minuto at segundoMga oras na ginugol ko para makita mo
Na kaya ko pa na hindi pa ako pagod
Hindi ko na namamalayan
Na unting unti na pala akong nauubosKaya patawarin mo sana ako
Na napagod kakahintay sayo
Kakaasa na pwede pa tayo
Patawarin mo ko pagkat hindi ko na kayaHanggang sa natuto ako
Natuto akong lumihis ng tingin
At tingnan ang sarili ko
Na nagduroga na kakalaban para sayoNatuto akong makontento
Na hindi na magtiis
Sa isang bagay na alam ko
Na kailanman hindi na babalikNatuto akong maging masaya
Na tumawid sa kalsada ng mag-isa
Natuto akong kalimutan ka
Na minsan kang naging akinPero bago ako magpaalam
May bilin akong gusto kong tuparin mo
Yun ay maging masaya ka
Sa piling niya,sapat na saakin yunAt ipapangako ko sayo
Na kapag nakita ko kayong dalawa
Hindi lang basta kakayanin ko
Kundi magiging sobrang masaya ako para sayo para sa inyo.Mahal patawad kung napagod ako
Wala akong balak sumuko
Pero iba pala pag mismo yung puso
Na ang nagdikta na tumigil na- ako sayoMahal ubos na ako
Akalain mo yun nauubos din pala ako
Sagad ang pagmamahal ko sayo
Alam mo yunKaya siguro ito na ang tamang panahon
Na itigil ko na ang kahibangan ko sayo
Ang mga salitang kaya pa dahil ang totoo
Hindi ko na talaga kayaNa mahalin ka sa malayo
Na mag ilusyon na may tayo pa
Na umasa na tanggapin mo ako
Kasi alam ko na sumuko ka naSumuko ka na saakin sa tayo
Ang mga pangako natin
Naging pangako niyo
Mahal kita pero may peroSa lahat ng kaya pa na mga binitiwan ko
Ito ang "kaya"na pinakapaborito ko
Pinakamasakit na kaya na babanggitin ko
At ito ang huling kaya na tungkol sayoKaya mahal
Kaya pa
Kaya ko
Kaya ko na
Kaya ko na na wala kaMatapos kong sabihin ang tula ko nag bow ako pero nanatili akong nakatayo.
"Impressive! Ms. Verzosa. Well kahit bago pa lang ang simula ng klase nakitaan na kita ng potential sa poetry pero di ko inakala na tungkol sa pag-ibig ang e lalathala mo and I must say sobrang ganda if it's too much to ask wag mo nalang sagutin pero was that based on experience? " kuryusong tanong ng aming filipino teacher na si Ma'am Perez.
"Opo ma'am." Sagot ko kasi wala naman akong makukuha kong magsisinungaling pa ako.
Everyone gasped when they heard my answer and I smiled shyly. It's the second week of this school year at hanggang ngayon wala parin akong maski isang kaibigan man lang di ko alam kung takot ba sila saakin o ano kasi walang nagtatangkang lumapit saakin.
"At such a young age naranasan mo na yang ganyang sakit it must have been hard for you Ms. Versosa." Ma'am Perez.
"I beg to disagree it wasn't hard for her Ms. Perez, because she now let go of the man he loves easily."
Isang lalaki sa far end left corner ang nagsalita di ko siya kilala di din naman siya kasi katulad ng ibang lalaki na sobrang ingay na mapapansin mo talaga sa katunayan nga ngayon ko lang siya napansin at sa lahat pa ng pwede niyang punahin yung tula pa na buong puso kong ginawa hindi ko maiwasan na masaktan sa sinabi niya.
"We can never fathom someone's grief and sadness Mr. Collins pero somehow when she delivered the poem sobrang mararamdaman mo talaga ang sakit na naranasan niya. Kaya hindi ako sang-ayon sayo Mr. Collins because letting go is the bravest and hardest thing to do lalo na't mahal mo pa ang tao."
Pinagtatanggol ako ni ma'am Perez kailangan kong magsalita ayaw kong magmukhang timang lang dito sa harapan gusto kong sabihin na mali siya na hindi naging madali saakin na iwan ang mahal ko, pero noong tiningnan ko siya sa mata natameme ako. I saw pain pero nawala agad yun at napalitan ng pag kairita ang mata niya na nakatuon na saakin pero sigurado ako nakita ko ang sakit at lungkot sa dalawang pares na kulay brown niyang mata.
"Mr. Collins I know we all have freedom of speech but what you just said insulted me you don't know me and what I've been through so you don't have the right to criticize my work and how I handled my personal life." Hindi ko na napigilan ang aking sarili konti nalang talaga sasabog na ako coz from the way I see it my words didn't affect him he is still looking straight into my eyes with bored look as if I'm talking nonsense.
"Well sorry not sorry Ms. I still think your perception of love is weak my stand for love is to fight and to never let go and your poem opposed to what I believe."
For a moment natigilan ako nakita ko kasi ang determinasyon at sinceridad sa mata niya pero sinagot ko rin siya agad "you would still fight kahit may iba na ang mahal mo?"
He nodded without any hesitation
Oblivious to what my classmates are doing right now I continued questioning him "you would still fight kahit sobrang sakit na?"
"Kahit na maubos pa ang pride ko kahit matapakan pa ang ego ko hindi parin ako susuko." Sagot niya naka tingin pa rin sa mata ako hindi ko maiwasang humanga sa determinasyon niya.
"My fight is over Mr. Collins wala na akong magagawa tadhana na mismo ang nagdikta."
Tumawa siya but I didn't see any humor in it. Sarcasm ang pagtawa niya.
"You ain't just weak you're also stupid you're stupid enough to let fate dictate your destiny. Ms. You make your own destiny don't let some kind of wind rule you."
"Anong gusto mong e parating? na lumaban pa ako?"
"Sa pag gawa mo ng tula na yan sino sa tingin mo ang talo?"
Ako. Yan yung naisip ko may sense din pala kausap to, tama siya hindi ko dapat hinayaan na ang tadhana ang magdikta saakin dapat lumalaban parin ako ako ngayon kasi di pa naman sila may pag-asa pa ako. Napansin ko na tutok na tutok ang mga kaklase namin saaming dalawa maski si Ma'am Perez hindi nagkaroon ng pagkakataong magsalita.
Sa tanong niya na yun di ako nakapagsalita wala akong nasagot at ang tanging nasa isip ko lang ay yung pares ng mata niya na nakitaan ko na naman ng lungkot at sakit.
Ngumisi siya pero yung mga mata niya may sakit pa rin di ko alam kung saan nanggaling tong pakiramdam ko pero malakas ang pakiramdam ko na itong lalaking kausap ko ngayon ay magiging parte ng buhay ko. Pero bakit kinakabahan ako bakit tingin ko hindi maganda na maging parte siya ng buhay ko? Hindi ko pa alam ngayon ang mga sagot sa mga tanong ko pero malalaman ko din ito sa tamang panahon.
"The fight isn't over Ms. Verzosa." Sagot niya bago namin narinig ang bell hudyat na tapos na ang period namin ng Filipino Class.
BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
Teen FictionIt's funny how you can make a beautiful piece from an ugly experience.