PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA

21 0 0
                                    

By: Alyn Fate Villa

Akala mo siya na

Yung taong sa buong buhay mo ay sasamahan ka

Yung taong ihaharap mo sa dambana na may saya

Yung taong pinangarap mong makasama at magkaroon ng pamilya

Ang sakit lang na pinagtagpo pa

Pero di naman pala para sa isa't isa

Minahal mo nga siya

Pero minahal ka ba?

Maaring mahal ka nga

Pero bat naghanap ng iba?

Siguro dahil hindi sapat ang pagmamahal lang at saya

O baka naman sa iba niya naramdaman yung pagmamahal at saya na hindi niya naramdaman nung kayo pa

Kaya siguro naghanap ng iba

Pinagtagpo, pero di tinadhana

Yan tayong dalawa

Mahal mo ako at mahal kita

Pero 'di tayo para sa isa't isa

Maaaring pinagtagpo lang talaga tayo

Pero sana balang araw mahanap ko yung tamang tao

Sana yung katulad mo, yung handang isakripisyo ang mga nakasanayan mo na ayaw ko para magbago

Sana iparamdam niya rin sakin yung pagmamahal na pinaramdam mo

O sana mahigitan niya ito

Kasi mahal, hindi ko makakalimutan ang mga sakripisyo mo

Sana mahanap mo rin yung tamang tao para sayo

Mahal kita at walang magbabago

Kahit mahanap ko na yung tamang tao

Mananatiling may puwang ka parin dito sa puso ko

Hintayin nalang natin ang tamang tao na sa atin ay muling bubuo.

HANGGANG SA MULI, PAALAM MAHAL KO.

Mga Tulang NilikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon