Tadhanang Mapagbiro.

25 1 0
                                    


lahat ng nilalang sa mundo ay nagkakamali.

pagkakamali na may iiwan na aral sa iyo.

aral na iyong dadalhin maging sa kinabukasan mo.

minsan sa buhay natin kailangan pala nating madapa.

kailangan natin madapa para makita natin yung mga bagay na hindi natin nakikita.

kailangan natin madapa para malaman ang pagkakaiba ng mali sa tama.

minsan sa buhay ko, ako ay nag-mahal ng sobra-sobra.

yung hindi na nga kami mapaghiwalay kapag mag-kasama.

yung bang kalahati ng buhay ko sa kanya na naka-akma.

yung ang saya saya lang kapag kami ang mag-kasama.

kahit wala kaming pera oks lang kasi mayroong ako at sya.

sa loob ng halos ilang taon, mundo ko ay umikot sa kanya.

yung kuntento ako kasi mayroong sya na mahal ako.

sya na ibinigay lahat lahat para mahalin ako, ang gaya ko.

yung bang pagmamahal nya yung bumubuhay sa puso ko.

dumating yung panahon na ang magmamahalan ay sunubok.

kinailangan lumayo, mapadpad sa bansang malayo.

doon, sinubok kami ni tadhanang mapagbiro.

aaminin ko, natalo ako ng lungkot at ng buyo ng ibang tao.

nagkasala ako sa taong pinaka-mamahal ko.

nasaktan ko sya sa mga maling desisyon ko.

nagpadala ako sa padalos dalos na pag-iisip ko.

sa pag-iisa ko, doon ipinadama ni tadhana mapagbiro yung lungkot at pangungulila ko.

doon nya ipina-alala lahat ng pag-hihirap mo.

doon ipinaalala sa akin ni tadhanang mapagbiro na may isang tao na hindi ako sinukuan nung mga panahong ako ay kasuko-suko. may isang tao na minahal ako ng buong-buo nung durog na durog ako.

ipinaramdam sa akin ni tadhanang mapagbiro na kahit hindi mo kasama yung taong mahal mo, makakaya mo kasi andyan lang sya sa puso mo. katotohanan na yung pagmamahal nya lang yung bumubuhay sa puso ko.

noon ako nagising sa katotohanan na binubulag lang ako ng lungkot ko. nagising ako sa katotohanan na sya lang talaga yung kailangan ko.

katotohanan na sya pa rin talaga yung mahal ko at hahanap hanapin ko.

ngayon hindi ko alam kung paano ako babangon sa pagkakadapa ko. ang tanging nais ko lamang ay itama yung pagkakasala ko.

muling humingi ng isa pang pagkakataon at nangangakong hinding hindi ko na sasayangin pa ito.

alam ko mahal ko hindimadali sayo na pagkatiwalaan muli ang tulad ko. dahil nasaktan ko ng todo todoang damdamin mo. pero mahal ko eto lamang ang maipapangako ko. nandito lamangako maghihintay sayo, mamahalin ka lamang hanggang sa pagkatiwalaan mo ulit anghamak na tulad ko.

Tadhanang Mapagbiro.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon