Si Bryan Alvarez ay bagong estudyante sa isang pribadong paaralan, siya ay papasok sa ika-pitong baitang . Sa unang araw ng pasukan ay nakipag kilala siya sa kanyang mga bagong kaklase at nakilala niya sina John, Kahty, Connie, Jane at iba pa, makalipas ang ilang sandali at dumating ang kanilang tagapayo na guro nila sa Ingles at sinabing "ipakilala ang inyong sarili sa harap at magdagdag ng pang-uri sa inyong pangalan pag kayo ay magsasabi na ng pangalan " biglang nataranta si Bryan dahil di niya alam kung anong pang-uri ang kanyang gagamitin, dahil sa depende sa apilyedo ang ayos ng pagpapakilala si Bryan ang una, sabi ni Bryan ay "I am Bryan Alvarez "nakalimutan niyang mag-dagdag ng pang-uri sa kanyang pangalan kaya sabi ng kanyang tagapayo na "Dagdagan nyo po ng pang-uri, for example brave Bryan." Sabi ni Bryan "Ok po ma'am".Dahil unang araw sa eskwela naninibago siya sa kanyang mga bagong guro,libro, at patakaran. Habang lumilipas ang bawat oras ibat-ibang guro ang nag oorientation.
Nang sumunod na araw sa loob ng eskwelahan si Bryan ay naging excited sa kanilang leksyon, naki pag kilala na naman si Bryan sa kanyang ibang kaklase at ang bago niyang nakilala ay sina Aldrich,Manny,Dino at si Tesa. Biglang nagtanong si Aldrich kay Bryan "Marunong ka bang mag gitara? " sagot naman ni Bryan ay "Oo pero konti lang ang alam ko".
Mga ilang sandali dumating na uli ang kanilang taga payo upang umpisahan na ang kanilang leksyon sa Ingles ang pinag-aralan nila noon sa Ingles ay tungkol sa verb,nang natapos na ang dalawang asignatura sa pang umaga ay reses na. Si Bryan ay naki pagkilala ulit sa iba pang kaklase habang reses at naging kaibigan niya si Lazaro, Habang si Bryan at Lazaro ay nag-uusap tungkol sa sususunod na mga asignatura,sila ay unti unting naging matalik na magkaibigan.Ilang buwan na rin ang lumipas ay kaarawan na ni Bryan at siya ay nang libre kay Lazaro sa isang restawran , sabi ni Lazaro "Ikaw pa lang ang nang libre sa akin na ganito karami, salamat tol" habang kumakain ng fried chicken. Nang lumipas ang isang buwan si Bryan ay nagkaroon ng lagnat si Bryan, sabi ng nanay ni Bryan "anak wag kanang pumasok",sagot naman ni Bryan ay "kaya ko pa po".Si Bryan ay pumasok ng hinang hina ngunit napatapos niya pa rin ang kanilang mga asignatura sa pang umagang schedule, lumipas ang ilang araw at ganon pa rin ang kalagayan ni Bryan kaya napag isipan niyang mag pa check ng Blood Platelete at nag nega- tibo naman siya sa sakit na Dengue o Chikungunya na nakukuha sa kagat ng lamok ngunit bumalik ulit siya sa ospital nang sumunod na araw at nag pa check ulit ng kanyang Blood Platelete at oras na iyon si Bryan ay kinabahan sa magiging resulta sa kanyang dugo ng lumabas na ang resulta siya ay nag positibo sa sakit na Dengue at siya ay pinadala agad sa isang pribadong ospital, habang siya ay nasa biyahe siya ay nakapag isip ng negatibong mangyayari sa kanya tulad ng mamamatay na siya at pagnamatay siya ay di na niya makakapiling ang kanyang nanay, siya ay nakaramdam ng lungkot at ligaya, pag namatay siya ay makakapiling na niya sa langit ang kanyang tatay at ate, ngunit malulungkot na din ang nanay niya dahil wala na siyang karamay sa bawat problema kundi sarili niya, pagkalipas ng isang oras ay nandun na siya kasama ang nanay niy sa ospital.Habang siya ay palapit ng palapit ng palapit si Bryan sa Emergency Room at doon siya tinurukan ng Dextrose, tatlong beses sa isang araw ay kinukuhanan ng dugo si Bryan upang maobserbahan ang kanyang dugo kung nawawalaang dengue sa kanya.Nalagpasan ni Bryan ang sakit na Dengue at siya ay nanatili sa ospital ng limang araw.
Nang si Bryan ay bumalik na sa eskwelahan ay marami sa kanyang kaklase ang nagsabing ipinagdasal siya at si Bryan ay nagpasalamat sa kanyang mga kaklase.Mag simula ang araw na iyon ay nag kagusto siya kay Tesa dahil nadama ni Bryan ang kagandahang loob ni Tesa,ngunit sa araw na din na iyon ay din a rin siya pinapansin ni Lazaro kaya nalungkot si Bryan dahil pakiramdam niya ay wala na siyang magiging karamay,kakampi, o kasama sa lahat ng bagay. Hanggang sa pagtatapos nila sa ikapitong baiting, ngunit nang si Bryan ay pumasok na sa ika walong baiting si nabalitaan ni Bryan na lumipat na si Lazaro sa ibang eskwelahan, Si Bryan ay nalungkot dahil hindi man lamang sila nakapag ayos. Si Bryan ay parati na lang sinasaktan o inaasar ng kanyang mga kaklase, ngunit hindi na lang niya binabawian o pinapansin ang mga ito, isang araw napag isip isip niya na kailangan din niya ng isang kaibigan na maiintindihan siya, ngunit ayaw siyang maging kaibigan ng kanyang mga kaklase kaya sa mga ika siyam at ika sampung baiting na estudyante na lang siya nakipag kaibigan at nagkaroon naman siya ng mga matalik na kaibigan sila ay nag ngangalang Rose at Fatima silang dalawa ay naging kaibigan ni Bryan, sila ang naging karamay at naging sumbungan ni Bryan sa tuwing siya ay Binubully. Dumating ang panahon ng kanilang Field Trip at isa sa kanilang destinasyon ay isang Amusement Park at dahil ang kanyang mga kaibigan ay nasa ibang sasakyan ay di nagkakitakita nila Rose at Fatima. Napakalungkot ni Bryan habang siya ay sumasakay sa ibat ibang Rides tulad ng Roller Coaster at Ferris Wheel at siya ay nag iisang naglibot sa ibat ibang sasakyan sa loob ngmagagandang Amusement Park.Pagkabalik ni Bryan sa eskwelahan ay hinanap na niya agad sina Rose at Fatima upang mag usap tungkol sa kanilang naranasan sa Field Trip.
Lumipas ang ilang taon ang lumipas ay nagtapos na sa ika labing dalawang baiting si Bryan siya ay kumuha ng Nursing at doon din niya nakilala ang kanyang kaibigan na si Cristina, sila ay naging matalik na mag kaibigan ni Bryan at sila ni Cristina ay magkaklase rin, ngunit nung si Cristina ay nasa ika dalawang taon sa kolehiyo ay si Bryan ay tumigil muna sa pag-aaral upang makapag ipon para sa susunod na pasukan. Ang naging trabaho ni Bryan ay isang taga tinda ng manok sa, dahil kulang ang ipon ni Bryan sa unang taon ng kanyang trabaho si Brya ay nagtrabaho pa ulit ng isang taon.Pagkabalik ni Bryan sa Unibersidad na kanyang pinapasukan si Cristina ay Graduating na! Kaya nag pursigi si Bryan sa kanyang pag-aaral upang maabutan niya si Cristina ngunit habang sa pagtagal ng panahon ng kanilang pag kakaibigan ni Bryan at Cristina di nila namalayan na naging mag nobyo at magnobya na sila. Si Cristina ay hindi nakapasa bilang nars,natapos din ni Bryan ang kanyang ikalawang taon sa kolehiyo at tinapos pa rin ni Bryan ang dalawang taon pang natitira para sa kanyang pag kuha ng nursing ngunit di rin siya pinalad na nakapasa sa exam niya sa nursing .Si Cristina at Bryan ay nag hahanap na lang ng ibang trabaho si Cristina ay nakakita ng patalastas sa T.V. call center at si Bryan naman ay naging isang janitor ng isang kompanya sa Taiwan.Si Cristina naman ay hindi ulit pinalad sa paghahanap ng trabaho.May nakita si Cristina na isang Contact Number na nangangailangan ng trabahador sa ibang bansa at doon din sa Taiwan natanggap si Cristina at magtratrabaho siya sa isang pagawaan ng cellphone, pagkalipas ng tatlong taon sila ni Bryan at Cristina ay umuwi sa Pilipinas at nagpakasal, at sila ay nagpatayo ng sarili nilang bahay at sila ay nagkaroon ng tatlong anak at namuhay sila ng masaya at kung minsan naman ay malungkot dahil sa ibat ibang problema.