Balik tanaw...
Naalala ko noon na ang puso koy uhaw
Nangangarap na may dumating upang ang ito ay mapukaw
Sa di inaasahang paglipas ng gabi at araw
Nakilala ko ang isang ikaw....
Biglang mundo koy nagkakulay
Kasi nagbibigay ka ng sigla sa aking buhay
Sabay tayong nangarap na abutin ang langit
At labanan lahat maging ito man ay pasakit
Ayos naman ang lahat
Parang ang daigdig ay nakikiayon sa ating mga balak
Bawat pagsasama natin ay puno ng halakhak
Kaya mas lalo pa kitang minahal ng tapat
Kay bilis lumipas ng panahon
Parang ang lahat ay nagsimula lang kahapon
At ngayon magsi celebrate na tayo ng ating 5th Anniversary
Pinaghandaan ko yon, dapat engrande
Nag isip ako ng sorpresa
Pinag isipan ko lahat ng detalye at tema
Dapat ma-impress kita
Kasi balak ko din na mag propose na.
Habang inaayos ang plano para sa ating anniversary
Gumawa ako ng drama
"Baby may seminar ako ng 3 days sa Davao"
Sagot mo "Ah ganoon ba?"
Saad ko naman "badtrip nga ei, wrong timing, natapat pa sa anniversary natin"
Sagot mo "Ok lang un baby, naka apat na anniversary na din naman tayo"
Sa loob loob ko
Magiging tagumpay ang aking plano.
Kunwari ako ay umalis at balak ko
Sa araw mismo ng anniversary sosorpresahin kita.
At dumating na ang pinakahihintay ko
Dala ang mga regalo, pumunta ako sa bahay nyo
Pero wala ka, umalis kasama daw ang barkada
Naghintay ako
Isang oras
Dalawang oras
Tatlong oras
Pero wala ka pa din, kaya naisipan kung mag yosi na muna
Mula sa tindahan ng sigarilyo na aking kinatatayuan
Sa di kalayuan, natatanaw ko ang mag irog naghaharutan
Biglang nanlambot ang aking katawan
Para akong tinakpan ng sangkalangitan
Di ko mawari kung tama ba ang nakikita ko sa harapan
O ako bay nananaginip lang
Magkaakbay kayong dalawa
Ang lagkit ng inyong tingin sa isat isa
Na pakiramdam nyu, walang ibang tao sa paliggid nyu
Parang sinaksak ng matalim na kutsilyo ang puso ko
Nung mga oras na yon gusto kong biglang maglaho
Gusto kong tumakbo papalayo
Gusto kong sumigaw
Kasi ang sakit,
Ang sakit sakit
"Baby?" ang aking sambit nung kayo ay nasa tapat ko na
Bigla kang nagulat at siya ay iyong itinulak
Pero huli na ang lahat
Nakita ko na ang mga ganap
Tumalikod ako at iniwanan kayo
Gusto kung namnamin ang hapdi
At sakit na damang dama ng aking puso
Nag isip ako ng sorpresa
Ako ang na sorpresa
Magpaparaya ako
Kakayanin ko ang sakit
Hindi ko kayang maghigante sa inyong dalawa
Pipilitin kong maging masaya
Dahil noon pa man
Alam kung mahal na mahal ka ng aking kuya
Naunahan ko lang siya.
Sadyang kaybilis magbago ng panahon
Di porket naging mag jowa kayo ng mahabang panahon ay maging kayo na forever.
Kasi nagbabago ang lahat
Ballpen nga nauubusan ng tinta, feelings pa kaya.
Noon nga idol, ngayon lodi
Noon malupit, nagyon petmalu
Noon power, ngayon werpa
Noon mahal ka, ngayon HINDI na.

YOU ARE READING
Sorpresa
PoetryMay mga bagay na di inaasahang mangyayari. Masakit man kailangan tanggapin at harapin ang bukas.