Eto. As promised. Nag-update ako araw-araw ah. Haha. Sige! Maraming salamat sa pagbabasa! XD ^^
---------------------------------------------
Tinignan ko lang yung isang box na puro pictures namin at yung mga gifts niya sakin. Di ko namalayan sa pagflashback ng mga nangyari nakatulog na pala ko dito sa desk ko.
Nagising ako sa alarm clock na sobrang ingay. Psh. Kahit ba wala ako sa kama, maaabala ako ng alarm clock na yan? PSH =.=
Ginawa ko na ang aking ritwal. Pumasok na ko sa university. And guess what? Pag daan ko sa hallway, natanaw ko lang naman si </3 Jet. Andun siya papunta sa gym. Laughing with his friends and a girl beside him. I saw a sweet smile on his face.
Ang sakit pala. Na makita mo ang mahal mong ngumingiti ng wagas. Pero hindi pala para sa'yo at hindi ikaw yung dahilan. Ang sakit lang isipin. Ikaw, miss na miss mo na siya. Pero siya sobrang enjoy habang wala ka. </3
Andito na pala ko sa tapat ng room ko. Sinalubong agad ako ng mga bestfriend kong sila Ken at Jane.
"Ui! Best! Ano? Tulala ka nanaman? Daydreaming? Wag mong sabihing nakita mo nanaman yang si----" Napaputol siya ng sinasabi niya ng tignan ko siya ng masama.
"Baliw! Puyat lang ako kasi tinapos ko na yung thesis ko!" Sabi ko. Tapos inakbayan na ko ni Ken habang papasok sa room. Umupo na ako sa tabi nila.
"Che..." Biglang tawag sakin ni Jane.
"oh?" ako
"May girlfriend na pala si Nick..." Malungkot niyang tugon
"Psh. Sabi sayo eh. Wag ka ng umasa dun! Marami kaya dyan na nagkakagusto sayo eh. Cheer-up. Move-on! Susuprtahan kita! Moral Support! ^__^" Ako. Ang sakit. Parang sinasabihan ko lang yung sarili ko ah. Bitter ko naman. Yung ang lakas ng loob mong sabihin sa kaibigan mong mag MOVE-ON na siya pero ikaw mismo di mo magawa. </3
"Hays. Kung madali lang sana, Pero hindi eh. Pag sinabing move-on, hindi pwedeng ganun lang kabilis yun. Hindi agad agad. Hindi yun madali. Para yang sugat na di agad gumagaling. It takes time to heal. CHOZ LANG! HAHA" Sabi niya. </3 aww. bakit ako? 3 months na ah!
"Drama mo 'teh! Umayos ka nga at ayan na si Sir. Wag mo na intindihin yun. Banas yun eh gusto mo batukan ko?" Ako
"Hahaha. Che naman eh" Jane
"Hahahahahaha. Tara Che abangan natin mamaya. Hahahaha" Ken
"Mga baliw! Haha teka ayan na si Sir dali." Jane
Umayos na kami ng upo.
Natapos ang maghapon. Kasabay kong umuwi yung dalawa. Syempre sa gym ang daan. PSH makikita ko nanaman siya.
Pagdaan ko sa gym, nakita ko siya. Oo, si Jet </3. Miss na miss ko na talaga siya. Grabe lang. Nakita niya ko. Nakita ko siyang tumingin sakin. Kaso dinaanan niya lang ako ng tingin niya. Hindi niya man lang ako napansin. Sana kaya kong balewalain ka, kagaya ng pambabalewala mo sakin. </3
"Sarap patayin oh" ako
"Psh. Bitter ka teh?" Jane
"Haha" Ken
"Tara na nga!" ako
"Gusto mo bang makausap?" Ken
"Wag na. Iiwan lang ulit ako nyan" ako
"Di yan. Kami bahala *tingin kay Ken*" Jane
"Oo naman. Kami pa." Ken
"PSH. Sige na bahala kayo." Ako
"Kunwari pa ayieee" Jane
"echosera! haha. Tara na" ako
"Sandali."Ken
Nagtinginan lang sila ni Jane pagkatapos ay pumasok sa loob ng gym...
To Be Continued...........
BINABASA MO ANG
The Reason
Short StoryThe Reason Tungkol ito kay Che. Bakit siya iniwan ni Jet? Read this. Ka-echosan! pero ito ang unang one shot / short story ko na seryoso! promise!