[Lauren’s POV]
Nagmadali akong umuwi sa bahay pagkabili ko ng plane tickets. We’re going back to the US.
Ilalayo ko na ang pamilya ko sa lugar na to.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Vannie, Renz at Ivan na nakaupo sa sala at nakatingin sa'kin.
“Pack your things. We’re going back to america.”
“What? Anong sabi mo mom?”
“I said we're going back to the US!” Nagpunta ako sa kwarto namin at naramdaman kong kasunod ko dun si Ivan.
Umupo ako sa kama at hinanap ang maleta ko. Binuksan ko ang cabinet tsaka inilabas ang mga damit ko at inilagay sa maleta. Kasabay naman nun ay ang pagpasok ni Ivan.
“Lauren? Desidido ka na ba? Babalik tayo ng US? Bakit? All of a sudden nagpabook ka ng flight?”
“Ilalayo ko na si Vannie kay Daniel.” Mabilis na hinawakan ni Ivan ang magkabilang balikat ko.
“Tatakas nanaman? Lauren, bakit di mo na sabihin kay Daniel ang lahat. Para matapos na din to. Hindi mo ba naiisip na baka eto na ang hudyat para masabi mo sakanya ang totoo Lauren. Pag-isipan —”
“I made up my mind Ivan! Ayokong sabihin kay Daniel! Ayokong kunin niya si Vannie sakin! No! Ivan ilang taon ko siyang tinago! Nakaya naman ni Vannie na wala siya diba?!”
“Kasi nandito ako..” Napatingin ako kay Ivan. “Kasi may tumatayong ama sa kanya ako. Pero kung wala ako dito sa tingin mo hindi niya gugustuhing makilala ang tunay niyang ama? Lauren. Si Daniel ang tunay na ama ni Vannie, di ako..”
Napaupo ako sa kama at napahawak sa mukha ko. “Hindi ko na alam ang gagawin ko..”
*bugsh!*
Napabitaw sa akin si Ivan ng makita ko si Ivannah na nabitawan ang baso at nakatingin lang sa amin. Nanlaki ang mata ko. Narinig niya? Alam na ba niya ang lahat?
“Ivannah..”
“Let go of me! Ano yun!? Is this some kind of a joke?! Kung anu-ano nalang yang sinasabi niyo! Para lang mapaghiwalay kami ni Gian right!?”
“No. Lahat ng narinig mo totoo.” Napatingin ako kay Ivan. Dumating na ang kinatatakutan kong araw. Ang araw na kamuhian ako ng sarili kong anak dahil sa pagtatago ko ng katotohanan.
“Ha. Tell me you're lying.. Mom tell me dad's lying.. Mom!” Hindi na ako nakasagot dahil nakikita ko ng umiiyak si Vannie.
“I'm so sorry. Ivannah. Ayoko lang na mapunta ka kay Daniel. I don't want to lose you.”
“Mom! Bakit mo ako nilagay sa ganitong sitwasyon! Ang selfish mo! Sana hindi mo na lang ako pinanganak!” That words hit me. Nagmadaling tumakbo paalis si Ivannah at sinundan ko siya.
“Ivannah! Wait!” Pero hindi niya ako nililingon. Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa hindi ko na siya nakita.
[Vannie's POV]
All my life, I never dreamed of this. Hindi ko alam kung bakit nangyayari to, sa akin. Kung bakit ako ang nasasaktan ng sobra. Bakit ba ako nakakaranas nito? I live a perfect life, a caring mother, a supportive brother and a loving father..
Pero ngayon malalaman kong hindi ko tunay na ama si Daddy.. I don't know what's still real in this life.
- Gian Calling.
Napaiyak na lang ako ng makita ko ang pangalan ni Gian na nagflash sa screen ng cellphone ko. Napapangiti nalang ng mapait sa pag-iisip na nainlove ako sa stepbrother ko. I guess, it's just a love as a sibling. Nothing more.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?