Dumating na yung day ng interview namin para sa project. Hindi ako excited! Buong araw nanaman akong badtrip neto. 42 minutes akong naghintay dun sa antipatikong Mr.Sandoval nayun.
Pero atleast dumating siya. Sumakay kami ng jeep papunta sa bahay nung iinterviewin namin. Skwater dun, malubak. Ewan ko ba kung anong trip ng teacher naming tungkol lang naman sa LOVE. Malapit na kami kukuha sana ko ng pamasahe kaso wala akong nakapang wallet sa bulsa ko. Damn! Kumabog dibdib ko dun a? HAAAAAAY! Badtrip talaga! Buti nalang buo yung pera ni Clarence sabay sabi niyang,
“Manong dalawa ho.”
Nakahinga ko ng malalim pero pano to? Wala kong pera at medyo nakahalata pa ata si Clarence.