SAM’S POV
Isang normal na araw nanaman sa Arrowsmith High kung saan doon kami nag-aaral magba-barkada na sila Glyzel, Coleen at Avery. As usual kalaban nanaman namin ang Algebra at ang ibang terror teachers at ang daming pinapasulat. Well, lagi namang ganyan ang buhay ng mga estudyante eh. Sulat, solve, makinig at siyempre ang hindi mawawala sa buhay ng mga estudyante lalo na ng magkaka-ibigan ang daldalan. Magkakatabi nga kaming apat eh, bali ang pwesto namin ay: si Glyzel, si Coleen, Ako at si Avery, kaya kami ang maingay dito sa room eh, tsaka kapag may quiz eh madaling mangopya. Best Friends kami since Kinder, lalo na kami ni Coleen kasi magka-ibigan ang mga nanay namin at partners ang mga business ng mga magulang namin. Nagkaka-tampuhan kaming apat pero sandali lang kasi hindi namin natitiis ang isa’t-isa na magkaka-galit kasi para na rin kaming magka-kapatid eh. Mahilig kami gumawa ng kung ano-ano. Hindi rin naman kami girlish unlike si Avery, siya lang ang girlish sa aming magbabarkada. Kasi kami nila Glyzel at Coleen medyo mahilig kami sa mga boyish na bagay at kung ano-ano pa ang mga pinaggagagawa namin. Kaming lahat ay anak ng mga mayayaman na may ari ng mga kumpanya.
“Nakaka-boring talaga! Ang hirap mag-solve! Hindi naman kasi natin gagamitin ang Algebra sa totoong buhay eh diba!” pabulong na sigaw ni Glyzel.
“Oo nga bakit naman natin hahanapin pa ang mga ‘x’ at itatanong kay ‘y’. Uso kasi MOVE-ON dba?!” sagot naman ni Avery sabay irap sa terror teacher namin.
“Oo nga siguro si Ma’am hindi maka-move on.” Sabat naman nitong si Coleen. Nagtawanan kami at hindi namin sinasadya na napa-lakas ang mga tawa namin, eh anong magagawa namin masayahin kami at mababaw ang kaligayahan namin eh.
“Ehem! Ms. Aquino, Ms. Sandigan, Ms. Cruz at Ms. Reyes! Ano ba ang nakakatawa sa discussion natin ha?!!” sigaw sa amin ni Ma’am .
“M…Ma…Ma’am, W…Wa…Wala p…po” nangangatog na sagot ko sa teacher namin na naka-tingin sa amin ng nakakatakot na parang tinitignan na niya ang mga kaluluwa namin. Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko lahat ng mga kaklase namin na naka-tingin sa amin.
“ANONG WALA??!! SIGE KAYONG APAT! LABAS!!!” sigaw sa amin ni Ma’am habang naka-turo sa pinto.
“Pero Ma’am!” sigaw ni Avery.
“WALANG PERO PERO MS. REYES! LABAAAS!!” galit na galit na talaga si Ma’am kaya lumabas na kami. Free period naman ang susunod kaya naglibot libot na din kaming apat. Ang makulit dito ay tawa pa din kami ng tawa.
“WALANG PERO PERO MS. REYES!! LABAASSSSS!” sinabi ko habang ginagaya ang boses ng teacher namin.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” sabay sabay kaming apat tumawa pero pinipigilan namin tumawa ng sobrang lakas kasi nasa hallway kami.
Nang maka-labas na kami sa building ay pumunta kami sa garden maganda kasi dun masarap mahiga sa damo. Hindi naman kami naka-school uniform dahil wala naming uniform ang school tsaka hindi naman kami maarte eh pero si Avery naglagay pa ng panyo sa uupan niya.. Ayaw daw niya kasi madumihan ang damit niya kaya kaming tatlo lang ang naka-higa.
“Ayy nga pala, ano nga pala gagawin natin para sa Performance Task natin? Yung kanta? Paano na ‘yun Sam?” tanong sa akin ni Glyzel. “Uhmm. Cge sa Saturday practice tayo sa amin. Sabihan na lang natin lahat ng members natin. Okay? Okay.” sagot ko kay Glyzel. “Ahhh.. sige sige” sagot ni Glyzel. Pagkatapos nun ay pumikit na ako at nakatulog pero nagising na lang ako dahil niyuyugog na kami ni Avery. Sabi niya bumalik na daw kami sa room.
Matatapos na ang free period namin kaya bumalik na kami sa room. Pagpasok namin bigla kaming sinalubong ng epal naming kaklase na super arte at pinanggigigilan ko. “Oh ano Masaya ba mapalabas?!” sabi ni Andrea.
BINABASA MO ANG
The Prom Bet[ON HOLD]
Teen FictionMakakaya mo bang magpa-inlove within a month sa isang taong isang araw at gabi mo lang nakasama? Dahil lang sa isang bet gagawin mo ba lahat ng ito? Ano ang gagawin mo kapag na-inlove ka na sa kaniya? Pero hindi kayo magkakasama dahil ang kalaban ni...