Wala lang po ito. Na-tag lang ni @LazyLysi. So kahit sumasakit ulo ko sa tag na yan, gumawa pa din ako. hahaha
20 facts about alojen09 baliw :D
1. makulit kaya may tumatawag sa akin na kuletz. hahaha
2. madaldal daw (may nagsabi sa akin eh kaya di daw siya nabobored) hahaha
3. mahiyain sa personal pero pag nakilala ko na mga kasama ko, expect na makukulitan ka kasi magiging hot seat ka. kung sino ka man na mapagtripan ko :D
4. pag nakita mo ako, 1st impression mo, mataray kasi kung makatingin daw ako parang laging nanghahamon ng away. hahaha. sanay na ako sa comment na yan. hahaha
5. nung elementary ako, lahat na ata ng laro nalaro ko na at proud akong sabihing best in patintero ako. hahaha. mabilis akong tumakbo at laging nakakalusot kasi maliit. hahaha
6. gustong gusto ko gumala basta may sasakyan at libre ang pagkain. hahaha
7. pagkain? kahit ano keri lang, wag lang gulay. nyahahaha
8. pwede kang mag-open sa akin, hindi ako naglalabas ng kahit ano sa pinag-usapan natin lalo na kung talagang importante sayo yun.
9. kung gusto niyo ng advice, kahit baliw ako, mabibigyan ko kayo =)
10. 3rd HS ang pinakahate kong year ng HS. basta hate ko. hahaha
11. January 9 ang pinakapaborito kong date =)))
12. 2nd year college, na-reprimand kaming buong block kasi nagcopyahan kaming lahat during midterm exam. hahaha
13. gustong gusto ko magbasa at manood ng kung ano ano.
14. nahilig na din maglaro ng online games :D
15. wag mo ako yayain uminom ng alak. magsisisi ka. hahaha
16. naniniwala sa destiny at soulmate =)
17. mabait sa mga mabait. maldita sa mga maldita.
18. tahimik sa una, magulo na sa dulo :D
19. nanghahampas kung kinikilig. pag nakakaiyak ang scenes, iiyak din. baliw nga di ba? hahaha
20. addict sa music. kahit ano pa yan :D
--------------------------------------------------
Lysa natapos ko. nyahahaha
1. Once tagged, you are to write 20 things about yourself and post it however you like on your page.
2. Dedicate to the person who tagged you.
3. Invite others to play the game by tagging them.
BOW ^_^