Ako si maricon kung ano man ang mababsa nyo dito ay totoong nangyare sa buhay ko,15 taong gulang po ako at ngayon ay 4th year student sa isang public school sa pampangga.Simple lang akong tao simple lang din ang pangarap ko sa buhay ang bigyang kasiyahan ang mga magulang ko.Pero hindi ko alam anong nangyare bakit nagka ganito...
Anim na taon na ang nakakaraan nung umalis ang daddy ko hindi ko alam kung ano amg talagang nangyare basta pag gising ko na lang isang umaga wala na siya sa tabi namin.Lima kaming magkakapatid puro babae mula nung umalis ang daddy ko nabawasan ang tiwala ko sa sarilk ko...hindi na ako yung dating con na kilala nila.grade 3 ako nung umalis si daddy wala akong mapag sabihan ng nararamdaman ko dahil alam ko aasarin lang ako ng mga kaklase ko,ayaw ko din sabihin sa mommy ko dahil madadagdagan na naman ang kalungkutan nya.Nag tiis ako ng maraming taon sa pagtitiis ko natutunan ko ang maglaslas grade 4 ako nung una kong ginawa yun kumuha ako ng blade at sinugatan ko ang kamah ko.Ewan ko kung anong nangyare sa akin,ewan ko kung mali o tama ba tong ginagawa ko tumulo ang dugo sa kamay ko kasabay ng pag tulo ng luha sa mata ko.
Hindi ako umi iyak dahil masakit ang sugat ko kundi masakit ang nararamdaman ng puso ko hindi ko ikaka ila na masakit ang sugat ko pero alam nyo ba na mas masakit ang dinaramdam ng puso ko triple sa sakit na nararamdaman kong kirot sa bawal linyang iginuguhit ko gamit ang matalim na bagay na ito sa aking kamay.Natakot ako na baka makita ni mommy pero madali ding nag hilom ang mga sugag na yun.
Ilang beses pang na ulit yun dahil sa bawag nakaka kita ako ng mga ka schoolmate ko na hinahatid sila ng daddy nila gusto kong umiyak pero ayaw kong ipakita na mahina ako!hindi ako pwedeng umiyak!pipigilan ko imbis na umi iyak ako naglalaslas na lang ako.mas mabilis hindk pa mamaga ang maga mo mawawala din naman ang mag sugat na yan eh.pero hindi ang sugat sa puso ko.
Yan ang dati kong pananaw sa pag lalaslas nakaka tanggal ng depresyon,nakaka ginhawa,nakaka alis ng problema pero ngayon na isip ko na malaki akong tanga!HINDI LASLAS ANG SAGOT O MKAKATANGGAL NG ATING PROBLEMA walang iba kundi ang Panginoong nasa langit ngayon binigyan nya ko ng mabait na kaibigan.hindi na rin ako naglalaslas dahil iiwan daw niya ko.hindi na rin kailangan kasi andyan siya para sa akin.andyan siya para pakinggan ako.hindi na ako malulungkot dahil alam ko na lahag ng nangyayare sa buhah na atin may dahilan.
Kailanman wag mong isipin na ang laslas ang gagawin mo pag nalulungkot ka.tumawag ka sa Panginoon at pakikinggan ka nya :)