Xia.
"Excuse me for a while Xia. Enjoy yourself." paalam ni Sir Avi na tinanguan ko naman dahil makikipag-usap pa siya sa ibang bisita.
Nakita ko naman ang ilan sa mga empleyado din sa kumpanya. Invited nga pala ang mga na sa mataas na ranko doon.
"Xia." tawag ni Merliah sa akin. Siya ang pinaka-head sa finance department at matagal ko nang ayaw ang ugali nitong may pagkamaldita at mukhang walang magandang gagawin.
"Hmmn?" ani ko sa kaniya. Walang emosyon ang mukha nito. Naka-suot pa ito ng itim na gown na sobrang taas ng slit. Kitang-kita din ang napakalalim na cleavage nito dahil sa napakababang neckline ng damit na suot nuto.
Lihim na lamang akong napairap. Hindi sa nanghuhusga pero parang ganun na nga. Buti sana kung isa siyang modelo, babagay sana sa kaniya kaso lang ay mukha itong trying hard na maging mayaman.
"I thought may boyfriend ka na. Why are you here and Mr. Gustavo's date?" naiinis nitong turan sa akin.
Naglapat ang labi ko at nagpipigil sa inis. Her guts.
"I have a boyfriend. I'm Mr. Gustavo's date because he asked me to be his date."
"Oh? Pumayag ka naman? Para ano? Para marami kang malandi?" humalakhak ito nang nakakainsulto.
Naningkit ang mata ko sa sinabi nito. Ngayon ko lang siya nakausao ng ganuto bagamat lagi niya akong iniirapan sa kumpanya ay hindi ko ito pinapansin.
"Malandi? You know what? Kung wala ka lang rin maayos na sasabihin ay umalis ka na lamang sa harapan ko."
"Matapang ha? Feeling matapang ka dahil malapit sa'yo si Sir Avi. Ilang beses na ba kayong nag-sex at mukhang hindi ka maiwan-iwan ni Sir Avi?" mapanghusga nitong sabi na halos ikalingon ng nga kalapit na bisita.
Napapahiyang napatingin naman ako sa paligid. Ayokong gumawa ng eksena pero mukhang walang balak si Merliah na lubayan ako.
"Ano bang problema mo?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Nagtitimpi na ako kaya bagyang mariin ang pagkakasalita ko ng mga salitang iyon.
"Ikaw ang problema ko. Hangga't hindi ka nasisisante ay hindi ako mapapansin ni Sir Avi!"
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Wala kaming relasyon ni Sir Avi. Wala din akong pake kung akitin mo siya. Ang tanong, papatulan ka ba?"
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang ngumisi nang nakakaasar sa kaniya. Nagsalubong na ang kilay nito.
"You're such a gold digger kind of secretary. If I know, inaakit mo si Sir Avi."
Napabuga na ako ng hangin. Ano bang problema ng babaitang ito? Bukod sa napakakitid ng utak niya ay nakaya niya pa akong husgahan nang sobra-sobra? Kami ni Sir Avi nagse-sex?
Isang kahibangan! Ang maisip ko pa lamang iyon ay naninikip na ng dibdib ko sa pag-iisip na maaring masaktan si Xenon. Hindi ko magagawa iyon.
"Merliah, hindi ako katulad ng iniisip mo. Wala akong ibang relasyon kay Sir Avi kundi pure business lamang. Mahal ko ang boyfriend ko at na sa matinong pag-iisip pa ako para pumatol sa isang babaerong katulad ni Sir Avi."
"How dare you! Liar. Mang-aagaw ka pa. I should be the one in your place. I hate you Xia!"
Napairap ako. "Same here honey."
Nagmartsang umalis si Merliah sa harapan ko. Napabuntonghininga ulit ako at uminom sa baso ko ng juice.
"Xia? May problema ba?" tanong ni Sir Avi pagkarating niya.
BINABASA MO ANG
A Search for Love [PUBLISHED]
Ficção AdolescentePublished under DJEB Publishing House. Mahirap hanapin ang isang bagay na ayaw magpahanap. Ngunit si Xia ay may paninindigan na balang araw ma-meet niya din ang lalakeng hinahanap niya. Iyong para sa kaniya lang. Iyong lalakeng hindi siya lolokohin...