Kahit Ayaw Mo Na, Wala Akong Pake

170 4 0
                                    

Naniniwala ka ba sa forever? Well, kung ako ang tatanungin. Hindi.

Siguro lifetime oo. Pero forever? Kalokohan!

Hindi sa pagiging bitter or what huh? Pero sa buong buhay ko wala pa kong nasasaksihan na nagtatagal ng pang-habang buhay.

Kahit nga mag asawa eh. Maraming nagsasabi na kahit kamatayan daw ay hindi sila mapaghihiwalay. Isang malaking kasinungalingan lang yon. Dahil kapag may namatay ng isa sa inyo makakaya mo bang wakasan din agad ang buhay mo para lang sundan sya sa kabilang mundo? Hindi diba? I told you -__-

Opinyon ko lang naman yan kaya kung may opinyon kayo ay wala akong pake kasi wala din naman siyang paki-alam sa akin hayss...

~ ~ ~ ~ ~

Nananatili siyang nakatayo at nakatingin ng diretso sa akin.

              "Ano? Suko na? Ganon ganon nalang yon?" Naluluhang tanong ko kay Brye, ang boyfriend ko na mukhang magiging ex ko na.

              "Ayoko na Shane. Sorry." Sabi niya sabay talikod sa akin.

Ang sakit! Sobrang sakit! Daig ko pa ang nasagasaan ng sampung track! OA na kung OA pero ang sakit talaga kasi!

Hindi ako nagpapigil at hinabol ko siya tyaka pinagsisigaw ang pangalan niya.

                 "Brye! Please! Wag mo naman akong iwan! Brye!!!!!" Tawag ko sa kanya kaya naman napalingon siya na ikinatuwa ko.

Pero sandali lang yon dahil napalitan din ng luha dahil sa mga katagang sinabi niya na lalong nag paiyak sa akin.
   
                   "Tama na Shane! Please?! Wala na akong ibang nararamdaman ngayon sayo kundi ang awa! Ayoko na okay?!" Sigaw niya sa akin.

Tumalikod na ulit siya. Ako naman tong si tanga na hinabol ulit siya at niyakap siya mula sa likod niya.

                  "Please naman Brye! Ayusin natin 'to please? Mahal na mahal kita eh! Tyaka kahit ayaw mo na hindi pa din kita titigilan!" Hagulgol ko sa kanya.

                   "Ayoko na nga Shane! Mahirap bang intindihin yon?!" Asar niyang tanong sa akin.

Tinanggal ko ang pag kakayakap ko sa kanya pagkatapos ay hinarap ko siya sa akin.

                   "Oo mahirap Brye! Ano ba kasing dahilan at nakikipag-break ka sa akin huh?! May iba ka na bang mahal?! Sabihin mo sakin!" Garalgal kong tanong sa kanya. Please Brye. Sana wala kang ibang mahal.

                  "Alam mo kung anong dahilan? AYAW KO NA, SAWA NA AKO! Sapat na bang dahilan yon huh?!" Iritang tanong niya sa akin.

Matutuwa na sana ako dahil wala siyang ibang mahal pero nang sabihin niyang ayaw nya na at sawa na sya? Para kong sinasaksak ng kutsilyo!

                   "Nag jo-joke ka lang diba? Alam ko namang mahal na mahal mo ko eh!" Nagkunwari pa akong tumawa pero napahilamos nalang siya ng mukha sabay sabing...

                  "HINDI NA KITA MAHAL SHANE! T*ngina naman!" Wala na! Mukhang desidido talaga siyang makipag-hiwalay sakin huh?

                  "Ang labo mo naman! Nangako ka sakin diba?! Ang sabi mo di mo ko iiwan! Naniwala ako sayo Brye! Pakiusap naman oh! Wag mo kong iwan! Ang dali dali kasi sayo na sabihin na ayaw mo na! Pinag-isipan mo ba huh?!" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko sya na kulang nalang magwala ako sa harapan nya.

                    "Tell me! Kung saan ako nagkulang! Pupunuin ko yon! Nangako ka kasi eh! Kaya umasa ko!---- No! Pinagkatiwalaan kita! Huhu." Hagulgol ko pa ding saad sa kanya. Pero napa-iwas nalang sya ng tingin.

Kahit Ayaw Mo Na (One shot)Where stories live. Discover now