6:00am nakatayo ako sa may kanto, sa harap ng Ado's na sikat sa Pasig dahil sa masarap na pansit, sa tapat ni Tito Lit's na hindi ko talaga Tito, un talaga pangalan ng bakery, sa may Malinao Street, nagaabang ng jeep. Si Kuyang Blue Boy na lagi kong naaabutan, nagaabang ng pasaway na driver na pwedeng masita sa intersection at nagpapahinto ng sasakyan pag tatawid ang madla. Ang mga taong katulad kong nagaabang din ng masasakyang jeep, may pamilyar ng mukhang lagi kong nakakasabay, nandyan si teacher, si kuyang gwapong taga FEU, si kuyang cute na taga Don Bosco, si manang na iratable, si ateng palaging nakamakeup, si ateng parang laging puyat, si kuang lageng nakashade, sina ate at kuang magbf/gf, si isko at iska at mayroon namang bago pa lang sa aking paningin. Halos magtatatlong taon na din, MAGTATATLONG TAON! sinong hindi makakakilala sa mukha nila sa tinagal tagal ng panahon. Dumating na ang pinakahihintay, ang jeep na magdadala sakin sa sintang paaralan. Unahan sa pagsakay, mayroong hindi na halos makaupo, may maiiwan pa dahil puno na, may mga sumasabit na lang, siksikan, at mainit. Binigay ko na bayad ko, "Stop and Shop po estudyante". Malayu-layo din ang byahe, malayu-layo na din pala ang nararating ng aking mga paa.
Elementary days: naiinggit ako sa mga kaklase ko, sumasakay kasi sila sa tricycle samantalang ako naglalakad lang. Isang kanto lang kasi ang layo ng bahay at school namin, paano ka pa magsasakay nun di ba. Pagkatapos ng pagaaral at pagkatapos maglaro ng patintero sa gym at habulang upo sa field uwian na. Lahat sila nagaabang na ng kanilang mga service sa labas ng gate samantalang ako ayun magisang naglalakad pauwi samin habang kumakaway pa sa kanila at nagpapaalam. NAKAKAINGGIT... Gusto ko ng maghighschool para malayo na ang school, para sasakay na din ako ng tricycle, para maranasan ko namang lumayo kahit papano, para medyo lumawak ang mundo ko.
DAPAT MATAPOS KO ANG ELEMENTARY PARA MAKASAKAY NA KO NG TRICYCLE.
Highschool days: nagtatricycle na din ako sa wakas. Lumalawak na ang mundo ko, lumalayo na ang destinasyon ko. Masaya naman ako. Kaya lang parang may kulang, sa apat na taong pagsakay ng tricycle papuntang school, nakakasawa din pala, gusto ko ng mas mahabang byahe. Gusto ko namang lumayo sa kinalakihan kong lugar. Gusto kong maranasan ang nararanasan ng mga ate kong nagaaral sa Maynila na jeep papunta kung saansaan at bus pauwe at paluwas. Ako na lang ang nasa poder ng mga magulang ko lahat sila nandoon na, mahal ko mga magulang ko ayaw ko din namang lumayo pero minsan kailangan mong matutunang mamuhay ng malayo sa kanila para matuto ka ng mga bagay bagay na. Hindi naman habang buhay aasa ka sa kanila diba. Gusto mas lumawak pa ang mundong ginagalawan ko.
DAPAT MATAPOS KO ANG HIGHSCHOOL KO PARA MAS MAHABA ANG BYAHE KO.
Ngayong kolehiyala na ko, Manila Girl sabi ng mga magjuejueteng sa kanto namin pagumuuwi ako at tinatahak ang landas papuntang PUP, natatawa na lang ako sa mga dahilang pumapasok sa utak ko noon para magpatuloy. Kung tutuusin ang babaw lang; ayoko ng maglakad gusto ko magtricylce, ayoko ng magtricycle gusto ko magjeep at magbus at ngayon ayoko ng magjeep at bus gusto ko ng magkaroon ng sarili kong sasakyan; siguro isa un sa pinanghawakan kong inspirasyon at hindi ko ikinahihiya un dahil un ang isa sa mga dahilan kung bakit bumabyahe ako ngayon. Mababaw man naging maganda naman ang bunga. Sana maabot ko na ang sunod kong pangarap, hindi pala, positibo akong maaabot ko ito, ang magkaroon ng sariling sasakyan, bumyahe kung saan-saan. Hindi natatapos yun dun sabi nga sa economics "we have unlimited wants", gusto kong makasakay sa eroplano at libutin ang buong mundo.
"Para po" sabi ko sa manong driver, stop and shop na. Naglalakad na ako, mainit ang panahon, nakakapagod malayulayo din kasi ang distansya nito sa sintang paaralan. Isang taon na lang, ngayon pa ba ko titigil. Unti unti ng lumalawak ang mundong ginagalawan ko. Konti na lang, konting tiis pa, konting byahe pa. Pagpapatuloy ko lang kahit mahirap, kahit mainit, kahit nakakapagod na at kahit nagigipit kana. Hindi naman talaga madaling mabuhay di ba. Hindi naman ako nakarating dito ng paeasyeasy lang. Magpapatuloy akong palakihin pa ang mundo ko...
Patuloy ang byahe ng buhay!!!...