PAGMAMAHAL

154 9 2
                                    

Maaaring hindi mali ang magmahal
Ngunit isipin mong mabuti kung 'yong taong iniibig mo ay tunay nga bang sayo ay biyaya ng may kapal?

Oo, walang mali sa pagmamahalan
Ngunit paano naman ang mga taong inyong naaapakan at ang mga puso nila ay patuloy na nasasaktan sa bawat ligaya na inyong nakakamtan?

Maaaring kapag ika'y nagmahal ay nagiging isa kang bulag.
Bulag ka pagkat hinayaan mo ang iyong sarili na mahulog sa isang bitag
Bitag na alam mong sa puso niya ay bibiyak
Bulag ka pagkat hinayaan mo lang 'yong taong pinahalagahan ka na umiyak at mawasak

Walang mali sa pagmamahal  ngunit ang magmahal ng iba habang kasama mo siya ay siyang tunay na wala sa tama

Ang tunay na pagmamahal ay hindi tulad ng isang relo na kapag binigyan ka ng dalawa ay pwedeng mong isuot ng sabay sapagkat may kaliwa at kanan sa ang ating mga kamay
Ngunit tandaan mo rin na ang puso natin ay iisa lang.
Iisa na hindi pwedeng ialay sa dalawa.

Walang mali sa pagmamahal ngunit tanungin mo ang iyong sarili at baka nasa tao ang mali.

Mga Tula...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon