CHAPTER 7

1 0 0
                                    

CANNY'S POV

Gabi na pero hindi pa rin talaga ako makatulog . Paikot ikot na ako dito sa kama ko pero wala talaga. Kinuha ko ang cellphone ko teka anong gagawin ko sa cellphone? wala naman akong facebook o kahit anong account ng social media , wala rin akong katexts or call mate , wala ring games teka nga bat pa ba ako nag si cellphone? binato ko ang hawak kong cp sa pader at tadaaaa wasak .

Tumayo ako at nagbihis ng damit. Nag leggings ako tsaka nagsuot lang ako ng boxer bra at nagsapatos ng running shoes . Tinali ko ang buhok ko tsaka lumabas ng kwarto . Mag jo-jogging ako oo LATE NIGHT NA ALAM KO . Pero ganto ako pag hindi makatulog tsaka isa pa hindi pwedeng masanay ang katawan kong ganto marupok malamya, paano na ako pag bumalik na ako sa dating lugar ko? Baka isang Riot palang patay na ako. Lumabas ako ng napakalaking gate ng Mansion na ito nagtataka nga yung nga guard e past 12 Am na kasi . Pagkalabas ko agad akong nag strecth at nag jog na .

Mga 1 hour na din siguro akong nag jo-jog at nakabalik na nga ako dito malapit sa mansion actually andito na ko sa tapat ng malaking wall ng masion medyo malapit na sa gate. Tumigil muna ako at hinahabol ang hininga ko buti nalang hindi ko na ramdam ang fracture sa braso at likod ko . Maglalakad na sana ako ng napansin kong may taong naglalakad palapit sakin kaya napaayos ako ng tayo. Maya maya pa ay nakilala ko na ang papalapit si Drake lang pala akala ko kung ano na . Ng makalapit siya sa akin tinignan niya ako mula ulo hanggang baba bwesit to ah. Naka School uniform pa talaga siya huwaw ah . Pero bat andaming dumi sa uniform ng lalaking to tsaka may blood stains ba yun? o ketchup? Medyo magulo din ang buhok niya which makes him a little more hot. Teka Ano daw? Canny? Ansabi mo?
Maglalakad na sana ako paalis kaso hinawakan niya ang kamay ko oo KAMAY KO tsaka ako hinila habang naglalakad siya te-teka nga

"O-oy"

Pag pumiglas ko pero hindi niya pa rin ito binitawan hanggang sa makalayo na kami at maya maya pa ay tumigil kami sa tapat ng isang Cafe dito sa loob ng subdivision. Nadaanan ko ito kanina . Hinila niya ulit ako papasok ng Cafe , nung makapasok na kami binitawan na niya ang kamay ko tsaka siya dumiretsyo sa counter. Hays abnormal talaga ang taong to bigla bigla nalang sumisegi ang katangahan .

Naghanap ako ng pwedeng maupuan .  Buti nalang walang tao sa may Veranda ng Cafe kaya Dun ako pumunta yung pang dalawahan lang na table. Todo tagaktak pa rin ang pawis ko wala naman akong dalang panyo kabaliwan kasi ng unggoy na nasa counter ngayon. Buti nalang mahangin dito sa Veranda .

Maya maya pa ay pumunta si Drake sa table na pinuntahan ko at umupo sa tapat ko. Tinignan ko siya at tinititigan niya din talaga ako segi mag titigan tayo . Ramdam ko pa rin ang pag tulo ng pawis ko from may chin down to my chest .

"Uhm heto na po yung order niyo Maam Sir"

Napatingin ako sa waiter na nagsalita at may dalang tray. Napatingin din siya sa akin at kita sa mukha niya ang gulat at watda bat siya biglang namula? at napalunok pa hahahaha problema ng lalaking to? I just stared at him na nakatitig din sakin kyah baka naman pwede mo nang ilapag yang mga nasa tray mo .

"Just leave it there"

Cold na pagkakasabi ni Drake kaya nabaling yung tingin ko sa kanya. Natauhan naman ata yung lalaking waiter kaya hayun binilisan ang paglalagay ng order ni Drake sa mesa namin tsaka nagmadaling umalis.

"Whats going on with you and Hark?"

Tanong ni Drake sa akin habang nakasandal at nakatingin lang sa akin. Hark? Ha-Hanu daw? Sino naman yun? Tinignan ko lang siya ng may pagtataka

"Didnt you know him?"

Umiling lang ako atsaka sinimulan ng kainin yung cake na inorder ni Drake sakin binigay e di sa akin buwhahhahhha pagkain. Hindi ko na siya narinig pang nagsalita pero hindi din siya kumakain o umiinom ng Kape niya he is just staring at me . Bahala ka jan

The Lost EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon