Di na tulad ng dati.

19 0 0
                                    

sa aking pag-iisa ikaw ang naaalala.

ngayong gabi, sa gitna ng katahimikan at kadiliman nais kong ikaw ang makasama.

mas madali pa ang buhay dati…kahit lugmok sa kahirapan..may nakakapitan.

pag ikaw ang kasama,lahat gumagaan.

di tulad ngayon…

di tulad ngayon…

alam mo ba? di madali ang aking buhay.

pagsubok ay panay-panay.

kung meron man akong natutunan noong tayo’y nagkawalay,

yun ay mas mahirap palang maging mag-isa sa buhay.

ngayon,  wala nang nakakarinig sa aking pag-iyak, 

sa aking kalungkutan,

ikaw ang naaalala,

mga kwentuhan nating kay saya…

mga pampalakas loob na ibinibigay sa isa’t isa.

hanggang ngayon, di pa rin matanggap sa sarili,

na di na tulad ng dati…

di na tulad ng dati….

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Di na tulad ng dati.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon