Chapter 1

73 0 0
                                    

Chapter 1

Bakit nga ba hindi nakukuntento ang mga tao? Ang iba nasa kanila na ang lahat pilit parin hinahanap ang mga bagay na wala pa sa kanila. Tulad na lang sa pag-ibig dumating na nga sa kanila ung taong nag-mamahal sa kanila pilit pa rin silang naghahanap ng higit pa.

            Ako si Jonathan, Nathan na lang ang itawag nyo sa akin at ito ang kwento ng aking makulay na buhay at kakaibang pagmamahalan.

            Taong Agusto 2012 nang hiniwalayan ako ng girlfriend ko, sa kadahilanan na hindi ko man lang nalaman. Ang sakit pala kapag ganoon ang nang-yari, yung tipong hinahabol-habol ko pa siya. Akala ko nagpapa-lambing lang kaya naman ginawa ko ang lahat para bumalik siya sa akin, kaso hindi nangyari.

            Ilang buwan din bago ako nakabawi sa sakit na aking naramdaman. Pero ganun talaga, hindi hihinto ang ikot ng buhay kailangan mag-patuloy.

            Desyembre 2012 sinamahan ko ang kapatid ko na mamili ng mga pang-regalo at mga ihahanda sa aming noche Buena, grabe ang daming tao sa mall. Tinanong ko sa aking saliri “bakit nga naman ang mga Pilipino kung kailan rush na dun pa sila nagsisipagkilos?” napangiti ako dahil nga naman isa ako sa mga pilipinong laging huli nakilos. Pero parang iba ang naramdaman ko. Tila ba may magandang bagay na mangyayari sa araw na yun.

            “Grabe ang haba ng pila” sabi ko sa ate Jane ko.

            “Ate baka may nakalimutan ka pang bilhin, gusto ipipila ko na ung cart natin tapos magikot-ikot ka muna baka may Makita ka pa na di pa natin nakukuha” habol ko pa sa kanya.

            “sige maiwan muna kita titingin muna ako danda roon” sagot sakin ng kapatid ko”

            “Konting bilis lang ate ha!” sagot ko naman sa kanya.

At darli-dali umalis ang kapatid ko. Ilang sagit lang ay nagulat ako ng biglang may bumanga sa akin mula sa likod, tinamaan ako sa binti kaya nagulat ako at napamura “Ay puta!” ano ba naman yan hindi ba kayo marunong mag ingat. Sa lakas ng pag-kasigaw ko ay napatingin ang mga tao sa amin.

“I’m sorry” wika  ng isang lalaki. Sorry talaga pare hindi ko napansin na matatamaan na pala kita. Agad ko siyang tinignan at natigilan ako ng makita ko ang kanyang mukha, tila ba isang anghel na napapaligiran ng liwanag. “Pare ayos ka lang ba, tol okay ka lang” sambit pa nito. Hindi ako nakaimik at agad ako tumalikod sa kanya na para bang walang nangyari.”Ayos lang ako” wika ko sa kanya at agad na bumalik sa pila. “Sandali lang” bigkas ng lalaki, pero di ko na ito pinansin. Laking gulat ko ng bigla niya hinila ang aking braso, at sabihin “sandali lang may sugat ka sa iyong binti”. Doon ko lang napagtanto na dumudugo na ang binti ko,” wala lang yan nagasgasan lang yan, ayos lang ako. Umupo siya at aga na tinignan ang sugat. “medyo malalim ang sugat, kapag di yan naagapan mag-iiwan yan ng malaking peklat” sambit pa nito. Hindi ako nakaimik ng sabihin niya iyon, at bigla na lang dumating ang ate jane ko at nagulat sa mga nang-yari “Ano nangyari sayo Nathan?” tanong ni ate Jane. “wala ito ate, ayos lang ako” sagot ko sa kanya. “sorry po talaga hindi kop o talaga sinasadya” paliwanag ng lalaki. “by the I’m Andrei Santos, this is my calling card” sabay abot ng card kay Jane. “tawagan mo ko so alam ko kung ano na ang nangyari sa kapatid mo or pwede kayo pumunta sa office ko about the payment sa hospital ibibigay ko sa inyo” wika pa nito. “May kotse kaba?” walang ano ano’y tanong ni Jane. “madami kasi kami pinamili eh kaya kung pwede sana ihatid mo na lang kami yun na lang ang iganti mo sa amin” wika pa nito. “sige payag ako pero dumaan muna tayo ng hospital I think kailangan yan lagyan ng stitch” sabi n Andrei.

            “Salamat Andrei” sambit ni Nathan. “para saan?” tugon ni Andrei, ako nga dapat ang humingi ng tawag sayo eh, dagdag pa nito. “syempre hinatid mo kami ni ate tapos gumastos ka pa para sa maliit na sugat” sagot ni Nathan. “kasalanan ko naman eh kung nag ingat lang ako di kita masasaktan ng ganito” dipensa naman nito. “Nathan nabili ko na pala lahat ng anti-biotics mo” singit naman ni Jane.  “Andrei salamat talaga ha sa lahat ng ginawa mo at tsaka nga pala di o naman nasbi na doctor ka dito” wika pa nito. “wala yun teka paano mo naman nalaman na doctor ako dito” tanong naman nito kay Jane. “pinagkukwentohan ka kasi nung mga nurse doon eh” sagot nito. “ah ganun ba, saan nga pala kayo nakatira?” tanong nito sa dalawa. “sa St. Agustin Village” sagot ni Jane. “ah malapit lang pala sa unit ko say un tara na” yaya nito sa dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected thing's to happenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon