On The Edge

52 3 0
                                    

HALOS TUMALON SA tuwa si Yassy nang mabasa ang text ni Ate Jane sa kanya.

Nasa school kasi siya dahil may exam siya sa tatlong subject niya kaya hindi niya alam ang mga nangyayari at wala siyang oras pa na alamin.

Pero nang matanggap niya ang text ni Ate Jane ay halos lumabas ang puso niya sa dibdib niya.

Bunso, she said yes to the collab. Taping's going to start next week dw..

Alam niya kung anong collaboration iyon at alam niya na kasama si Andreas doon. Hindi niya akalain na papayag si Ate Welcy lalo pa at hindi pa siya nito masyadong kinakausap kapag nasa dorm sila simula nang bumalik ito doon.

Halos isang buwan na hindi ito nanatili sa dorm simula nang maging sila ulit ni Andreas. Hindi niya alam kung paano nila nalampasan ang isang buwan na casual lang itong makipag-usap sa kanila kapag magkakasama sila sa mga rehearsals at guestings.

Pagdating kina Ate Ivine, Ate Sandy at Ate Jane ay masigla itong nakikipag-usap pero kapag siya ay napaka casual na.

Halos gumuho na ang mundo niya dahil sa pakikitungo nito sa kanya. Lalo pa at narinig niya noon ang pag-uusap nito at ni Manager Shin sa kusina nang minsang lalabas sana siya para uminom ng tubig.

Pero hindi niya naituloy at nanatiling tumayo sa bukana ng kusina at pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"Bakit gising ka pa?" tanong ni Manager Shin kay Ate Welcy.

"I can't sleep pa po. Siguro naninibago lang yung katawan ko dito dahil halos isang buwan akong nawala," sagot nito sabay tawa ng mahina.

"Welcy, you can't do that for so long. Maapektuhan ang-"

"I know. Pero I told you po, I can't guarantee that I can afford to talk to Yassy right away."

"You have to try. Naaawa ako sa kanya kapag kinakausap mo ang tatlo ng maayos kesa sa pakikipag-usap sa kanya ng-"

"Manager Shin, I told you before, I'm not ready pa. But you asked me to be here. I just can't do that right away. And you know I can't be like that."

Manager Shin sigh. "I want to fix things between the two of you. Ayoko kayong maging ganoon sa isat-isa. Nasasaktan akong nakikita kayong ganyan."

Ate Welcy sigh again. "I-I know. A-ayoko ko rin ng ganito kaya nga I chose to move away muna. I'm h-hurting too, because to be honest I felt betrayed at that time when she chose him again. Ayoko ng gulo kaya ako umalis."

Natahimik ang dalawa. Namamasa na rin ang mga pisngi niya dahil sa mga luhang naglalandas pababa sa mga pisngi niya dahil sa mga narinig niya.

Sumandal siya sa pader at tumingala para sana maibsan ang bigat ng dibdib niya pero hindi naman.

"You have to try, Wels. I know you can," Manager Shin said.

Ate Welcy sigh hard. "I can't promise."

"Magpahinga ka na. May schedule pa kayo bukas," ani ng ginong at tumayo na. Narinig niyang bumukas ang pinto ng back door tanda na nag-iisa na lang si Ate Welcy sa kusina.

Pinahiran niya ang mga luha sa pisngi niya at saka pasimpleng pumasok sa kusina kaya napaangat ng tingin si Ate Welcy sa kanya.

Nginitian niya ito pero neutral pa rin ang ekspresiyon ng mukha nito.

Kumuha siya ng sparkling water  at agad na ininom iyon dahil pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng lakas.

Naubos niya iyon at saka inilapag sa lababo at hinarap ito.

Untold Stories of the Series of Love (UP TO DATE)Where stories live. Discover now