CHAPTER 1: POLITICS LIFE

0 0 0
                                    

Simula ng mahalal si Eric Salazar bilang kagawad ay dumami ang kanyang kinakaharap ngunit kahit maraming problema ang dumating ay hindi sya sumuko bagkus ay nagpatuloy sya sa pagpapaunlad ng kanyang lugar, marami ang nagtatanong kung sya ba ay may pamilya ngunit sa totoo lang ay wala pa dahil sa pagiging abala nito sa trabaho, sa edad na 30 ay maiiisip mo na may asawa at anak na ito ngunit kahit ganon ay dipa rin mababago ang gwapo nitong mukha at pagiging gentleman, kahit mga kapwa kandidato nya ay tinatanong sya kung kailan sya bubuo ng sariling pamilya at may ilan din na kandidata na nagkaka gusto sa kanya ngunit hindi nya ito binigyan ng pansin at nagpokus na lang sa trabaho.

Kagawad ano plano mong gawin?

Pag-iisipan ko pa.

Uy! Kailan ka magkaka love life?!

Hahahahaha!!! Wag muna, wala akong panahon at oras.

Ikaw bahala, basta mag sabi ka lang tutulungan kita marami ako kilala.

Tsk! Wag ako.

Diba yung isang kandidata may crush sayo, ba't dimo suyuin maganda naman, sexy, matalino o san ka pa?

Tsk! Ewan ko sayo.

Matapos nilang mag-usap ay nag tungo si Eric sa office nya sa barangay para asikasuhin ang ilang paper works, na pag isip-isip nya na ipag-pa bukas na lang ngunit ng maka upo na sya ay itinuloy na lang nya ito para kaunti na lang ang gagawin nya kinabukasan.

Tok!, Tok!, Tok!

Yes, come in.

Kagawad may feeding program bukas, makaka punta ka ba?

Sige, titignan ko tapusin ko lang 'to lahat.

Nang matapos sya hindi nya namalayan ang oras, inabot na sya ng tanghalian kaya agad nyang inayos ang mga papeles at inilagay sa gilid ng lamesa at lumabas na ng opisina. Pagka labas nya ng barangay dumiretso sya ng kanyang bahay para kumain at magpahinga.

Magandang tanghali sir naka handa na po yung pagkain.

Sige, sya nga pala pag may naghanap sabihin mo umalis.

Sige, po.

Agad syang nagtungo sa dinning room at kumain, habang kumakain ini-isip nya kung pano ang gagawin nya bukas sa feeding program, nang matapos syang kumain pumunta sya ng kanyang kwarto at nagpalit ng damit, humiga muna sya ng ilang minuto hanggang sa maka tulog. Sa haba ng kanyang pahinga hindi nya namalayan ang oras mag-aalas syete na ng gabi ng sya ay magising kaya agad syang bumangon, pag labas nya ng kwarto ay nagtungo sya ng kusina at humanap ng makakain. Nang nasa kusina na sya ay lumapit sya sa ref. at binuksan ito tinignan nya kung ano ang pwede kainin dahil nakaramdam na sya ng pagka gutom.

High School Fall into Kagawad  By. Neneng Quisto ( book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon