Kasalukuyan akong nakaupo sa coffee shop na kung saan kita nakilala, kung saan mo ako dinadalaw, kung saan mo ako niligawan, kung saan kita sinagot, at kung saan gumawa ng mga memories na napakasaya kasama ka.
Sa bawat panahon na kasama kita. Masasabi ko na kung isa itong fairy tale love story. Daig ko pa ang babaeng nakita ang prince charming dahil sa sapatos na naiwan. Daig ko din si Aurora na nakilala ang lalaking mamahalin nya habang buhay. Dinaig ko pa sina Snow white at Bell.
At masasabi ko rin na mas panalo ako sa mga taong nanalo sa lotto. Bakit? Kasi naging akin sya.
Nasa ganon lang na sitwasyon nya ako nadatnan.
"Kanina ka pa ba dito? Hehe sorry sa paghihintay" sabi nya sakin nang makalapit sya sa kinauupuan ko
"Hahaha wala yun hahaha. Sige upo ka na" tugon ko sa kanya
Napangiti lang sya ng napakatamis at napakamot sa batok. Mukhang nahihiya parin sya.
Wala syang pinagbago. Haha napakacute nya parin kapag nahihiya sya.
"Mocha cake at matcha shake sayo diba Love?" tanong nya saakin
"Haha alam na alam mo talaga ihhh hahaha. Basta wag mo kalimutan yung toppings ha" sabi ko sa kanya with pout lips
"Oo naman. Choco nips right?"
Tumango ako bilang sagot.
Isa sa mga katangian ni Steve ang hindi makakalimutin sa mga bagay na gusto ko ang lalong minahal ko.
Si Steve, sya yung lalaking pinapangarap ng lahat. Kasi nasa kanya yung mga katangian ng isang ideal husband. Maalaga, mabait, napakasweet, maalalanin, mapagkumbaba, at higit pa sa lahat mapagmahal at iba pa.
"Here. Kain muna tayo at magkwentuhan bago pagplanuhan yung kasal"
Tumango ulit ako bilang sagot. Inabot na na yung tray na hawak nya at inilagay ang kanya kanyang pagkain na inorder nya.
"Pinadagdagan ko na yung choco nips sa matcha shake mo ahh. Hahaha baka awayin mo nanaman ako ihh"sabi nya sabay upo
"Hahaha baliw naalala mo pa pala yun?"sabi ko habang nilalantakan na ang matcha shake
"Haha oo naman. Pano ko ba naman yun makakalimutan. Muntikan na masira yung 1st anniversary natin dahil lang sa choco nips na yan haha. Akalain mo yun. Porke nakalimutan ko lang na magplus 1 spoon ng choco nips mo hahaha iiwan ba naman ako"sabi nya ng tawang tawa
BINABASA MO ANG
Thank you and Good bye
Short Story"Sa bawat panahon na kasama kita. Masasabi ko na kung isa itong fairy tale love story. Daig ko pa ang babaeng nakita ang prince charming dahil sa sapatos na naiwan. Daig ko din si Aurora na nakilala ang lalaking mamahalin nya habang buhay. Dinaig ko...