A

46 1 0
                                    

"Trick, Ikaw lang kakilala ko sa section natin, so pwede bang ikaw na lang best friend ko?" 'Yan ang sinabi ko sa'yo.

First year high school tayo noong naglakas loob akong tanungin ka. Natatakot kasi ako ng walang kakilala sa room. Playmates tayo noong mga bata tayo pero nagsimula tayong maging sobrang close noong high school.

Kampante ako na makipagkaibigan sa'yo kahit lalake ka at babae ako. Hindi naman kasi ikaw ang unang lalakeng naging best friend ko. Hindi pa din nangyari sa akin na nahulog ang loob ko sa kaibigan ko.

"Oo naman, Mauie." Sagot mo sabay tawa.

Hindi ko alam na seryoso ka pala sa pagpayag mo. Akala ko kasi hindi mo ako papansinin pagkatapos kong sabihin 'yon kaya naman natuwa ako ng talagang kaibigan ang turing mo sa akin.

Nung una medyo may ilangan pa tayong dalawa pero 'di din naman nagtagal.

Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan, taon...Naging close na talaga tayong dalawa.

Halos hindi na nga tayo mapaghiwalay. Lagi tayong magkatabi ng upuan kahit na may seating arrangement. Kapag nalilingat ng tingin ang teacher, lilipat ka sa bakanteng upuan sa tabi ko o 'di kaya naman ako ang lilipat sa tabi mo.

Syempre sinasadya natin na may bakanteng upuan sa tabi ng upuan ng isa't isa para kapag 'di na nakatingin ang teacher, magkakatabi na tayo.

Ganoon tayo bilang magkaibigan. Hindi mapaghiwalay.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon