D

16 2 0
                                    

Naalala ko pa tuwing magrereport ako o kaya magsasagot sa recitation, sisigaw ka ng "Go, parekoy!" o kaya naman, "Hooo! Best friend ko 'yan." Tapos ako naman mahihiya dahil sa tingin ng teacher at sa kantiyaw ng mga kaklase natin.

"Wow. Super supportive, best friends lang kayo ng lagay na 'yan ah?" Pero tatawanan mo lang naman sila sabay sabing, "Hindi ba pwedeng maging supportive sa kaibigan? Walang pakialamanan. Hanap din kayo ng best friend na kasing pogi at kasing astig ko. Kaso may problema, wala pala akong katulad. Nag-iisa lang ako at sorry, si Mauie lang ang best friend ko."

Hindi ko naman naiwasang matawa. Ang yabang mo! Pero totoo naman. Nag-iisa ka lang. At nakaka-proud talagang maging best friend ka.

At syempre ganun din naman ako ka-supportive sa'yo kapag nagpapabida ka sa klase, ang pakakaiba lang, ikaw hindi nahihiya sa atensyon. Sa halip ay sumasaludo ka pa sa akin pagkatapos ki-kindat.

Pero pinaka-paborito ko ay 'yung tuwing nagsasalita ka sa harap ng klase. Bilib na bilib ako kapag malaya mong nailalahad ang opinyon mo sa mga bagay bagay.

Parang lahat napapaniwala mo. Lahat nakikinig sa'yo.

Bilib ako sa pananaw mo sa buhay.

Pero hindi lang ako ang napapabilib mo. Madami ng lumalapit sa akin na mga babaeng may gusto sa'yo para magpalakad.

Kasi best friends daw tayo.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon