Lumipas ang mga natitirang buwan natin sa high school. Tinanong kita kung handa ka na ba sa entrance exam sa UP, kasi 'di ba plano natin na sa iisang university tayo mag-eenroll? Dream school natin parehas 'yon.
Kaya nga nagulat ako ng umiling ka.
"Sorry, Par. Sa Ateneo ako mag-eenroll. Nakapasa na ako." Sabi mo.
"Bakit ka naman nag-Ateneo?" Tanong ko tapos ngumiti ka.
"Doon kasi gusto ni Chloe." Napatahimik na lang ako. Binalewala mo na naman 'yung usapan natin. Binalewala mo na naman ako.
Dahil sa kanya.
Dumaan ang graduation na laging siya na ang kasama mo. At kung kasama man kita, siya naman ang laging bukambibig mo.
"Par, alam mo ba si Chloe ganito ...si Chloe ganyan"
Bakit, Trick? Sa isang iglap lang, nakalimutan mo ako. Dumating lang siya, nawala na 'yung dating best friend ko. Wala na ba talaga akong papel sa buhay mo?
Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero oo, nasasaktan ako.
May naiisip akong posibleng dahilan kung bakit, pero hindi...
Malabo...
At kahit luminaw sa akin ang posibilidad na 'to, kailangan ko pa ding palabuin. Kailangan kong magpanggap na hindi ko 'to alam...
Na hindi ko 'to nararamdaman.
Kasi best friend kita.
Best friends tayo.
Kasalanan ang lumagpas sa linyang 'yon.